Saturday , December 28 2024

Antetokounmpo mapupunta sa Warriors

PANANAW ng ilang kilalang kritiko sa NBA, kahit na hindi i-trade ng Bucks si Giannis Antekokounmpo, posibleng sumalang pa rin ito sa 2021 free agency.  At kapag nangyari iyon ay hindi naman papayag ang Milwaukee Bucks na pakawalan na lang basta ang kanilang superstar nang walang kapalit.  Kaya ang patas na mangyayari ay iti-trade nila si Giannis.

Ang puwedeng maging  destinasyon ng trade kay Giannis ay sa Golden State Warriors.

Pumalpak ang Milwaukee sa nakaraang NBA season na makasampa sa NBA Finals, kaya sentro ngayon ng pagtasa sa tunay na nasasaloob  ni Antetokounmpo sa nangyari.  Dahil sa kabiguang iyon ay maraming miron ang nagsasabi na hindi bagay ang two-time MVP sa Bucks kaya dapat na siyang lumipat sa bagong team—tulad ng Golden State Warriors.

Sa nangyayari kay Giannis, may pananaw si dating NBA superstar Allen Iverson sa  naging appearance nito sa “All the Smoke” podcast sa programa ni Stephen Jackson at Matt Barnes.

Pinag-usapan sa nasabing podcast kung saang team nababagay si Antetokounmpo at walang kakurap-kurap na sinabi ni Iverson na mas gusto niyang makita si Giannis na lisanin ang Bucks para sa Warriors. Dagdag pa niya kung maibabalik lang ang panahon ay gusto niyang maging teammate ang Greek Freak.

“I thought you were about to say KD (Kevin Durant),”  sabi ni Jackson.

“Oh nah, nah, nah! Yeah. I would love to play with KD. I love Giannis now. I love Giannis. I love Giannis. I’m trippin’ because I haven’t seen KD in a minute. I’m trippin’. I’m trippin’ hard. No disrespect to Giannis. I love Giannis,” sagot ni Iverson.

“I hope he leaves too. Go to Golden State, ” tugon ni Jackson.

Iverson: “Yes. Yes. I would love him to go there. That’s where I want him to go. I want him to go to Golden State man.”

Ang posibilidad na umalis nga si Antetokounmpo sa Bucks at sumanib sa tambalang Stephen Curry at Klay Thompson ay isang napakagandang mangyayari para sa fans ng Warriors.

Pero ang problema ngayon ng Warriors ay kung ano ang pinakamagandang offer nila para makuha ang serbisyo ng two-time MVP.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *