Saturday , November 16 2024

P200-M recycled desktop computers, laptops nasamsam (Bodega sa Bulacan sinalakay ng OMB)

KINOMPISKA ng mga operatiba ng Optical Media Board (OMB) ang mahigit 13,000 nagamit na at ini-recycle na laptop at desktop computer mula sa mga bansang China, Korea at Japan sa isang bodega sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa.

Ayon kay OMB Chairman Christian Natividad, inire-recycle ang mga nagamit nang branded desktop computers saka ibinebenta bilang ‘brand-new items’ sa mga gadget stores sa Metro Manila.

Dagdag ni Natividad, kinabitan ng counterfeit operating systems ang mga nakompiskang computers na tinatayang nagkakahalaga ng P200 milyon.

Nadakip sa naturang operasyon ang walong Chinese nationals at isang Filipino IT expert na sinasabing nagpapatakbo ng bodega sa 3M Compound sa Barangay Sta. Rosa, sa nabanggit na bayan Marilao.

Kasunod nito, pinaalalahanan ni Natividad ang publiko, higit ang mga naghahanap ng mga gadget para sa online classes, laban sa pagbili ng mga recycled computer mula sa mga tindahan o puwesto na hindi lisensiyado ng OMB.

Nakasaad sa Republic Act No. 9239 o ang Optical Media Act of 2003, na binigyan ang OMB ng awtoridad na suriin ang mga kagamitan o gadgets na nakagagawa o kayang komopya ng optical media bilang bahagi ng kanilang misyon na masawata ang counterfeiting. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *