Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Valenzuela

Online classes sa Vale kanselado (Kapag may bagyo)

KANSELADO ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa panuntunan ng suspensyon ng klase sa panahon ng distance learning ng pamahalaang lungsod.

 

Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa preschool at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

 

Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia-upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel.

 

Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary, at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag Signal No. 2, at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido.

 

Samantala, pati trabaho ng Department of Education (DepEd) ay kanselado kapag Signal No. 3, maging ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase.

 

Maaaring panoorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang learning modules.

 

Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), puwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …