Saturday , November 16 2024
arrest prison

Binata kulong sa Marijuana (Walang suot na facemask)

SA KULUNGAN bumagsak ang isang binata nang makuhaan ng marijuana makaraang sitahin ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21 anyos, residente sa C. Palo Alto St., Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Ayon sa kagawad ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong 9:45 pm,  habang nagsasagawa ng beat patrolling sa Market St., sa harap ng Rikkos Roasted Chicken, Barangay Marulas  ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 3 na sina P/Cpl. Reynaldo Panao at P/Cpl. Mark Jayson Cantillon namataan nila si Co na walang suot na face mask.

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR), umiwas at pumalag ang suspek kaya’t inaresto nila at nang kapkapan ay nakuha ang anim na plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 2 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience) of Revised Penal Code (RPC) at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *