Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 positive

Korte sa Malolos, Bulacan pansamantalang isinara (Staff nagpositibo sa CoVid-19)

ISINAILALIM sa physical closure ang isang sangay ng korte sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan matapos magpositibo sa coronavirus disease ang isa sa mga kawani.

 

Sa inilabas na memorandum ni Executive Judge Olivia Escubio-Samar, kinompirma niya na isang staff ng Malolos RTC Branch 103 ang nagpositibo sa CoVid-19.

 

Dahil dito, pansamantalang isinara sa publiko na humihingi ng legal na aksiyon ang nasabing branch ng korte maging ang opisina ng RTC Branch 83.

 

Nagsasagawa na ng contact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente na huling pumasok sa trabaho noong Martes, 13 Oktubre.

 

Nakasaad sa memo na tatagal ang pagsasara sa mga naturang sangay ng korte hanggang sa 27 Oktubre. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …