Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi Sta. Maria & associates mas tutok sa bagong negosyong Healthy Fix (Love life ayaw pag-usapan)

SA ZOOM mediacon ng Healthy Fix, humarap sa press ang magkakasosyong sina Jodi Sta. Maria at matagal ng mga kilalang negosyante at pharmacist na sina Sir Niño Bautista at Sir Red Gatus.

Kaya bukod sa co-founder ng company na BFC Laboratory, si Jodi rin ang tumatayong Director na may hawak ng Marketing at PR na bagay na bagay sa actress dahil hindi lang siya popular kundi physically fit pa.

And yes! Si Jodi ang siyang nag-organize ng virtual presscon at first time niya ito katuwang ang kaibigan from Dreamscape Entertainment na si Mareng Eric John Salut.

Very sweet ang actress at siya pa mismo ang personal na nagbalot o nag-ayos ng pasampol ng kanilang mga produkto sa Healthy Fix para sa entertainment press na kanilang ipina-deliver mismo sa mga address nito kaya touched ang lahat ng mga invited kabilang na ang inyong kolumnista dito sa HATAW.

Samantala napag-usapan sa nasabing presscon ang lovelife ni Jodi na nauugnay nga ngayon kay Raymart Santiago. Well isang napaka-sweet na tawa lang ang naging sagot nito sa tanong sa kanya ni Dondon Sermino dahil mas gusto ng actress na bago ang kanyang personal na buhay ay mas pag-usapan ang kanilang bagong business ng mga partner na kanyang ipinagmamalaki dahil lahat ay epektibo raw.

And for her protections sa CoVid-19 na nagbo-boost raw talaga ng kanyang immune system na kanya ring ini-suggest sa mga showbiz and non-showbiz friends ay Citrus Bioflavonoids Sodium Ascorbate na isang natural Vitamin C. Nariyan din ang apat pa nilang produktong food supplements gaya ng Reduced Glutathione Alpha Lipoic Acid Ascorbic Acid, Marine Collagen, Grape Seed Extract (Procyanidins) Ascorbic Acid Vitamin E, at ang L-Carnitine Green Tea Extracts.

At ayon kay Jodi sa Healthy Fix, healthy ka na, puwede ka pang kumita. Sa mga interesado na gustong maging boss sa sariling negosyo just visit WW.HEALTHYFIXSTORE.COM and FACEBOOK.COM.

Sina Sir Niño at Sir Red ay 15 years na sa negosyong may kinalaman sa health na Cosmo-Cee na ini-endorse ng mga sikat na celebrities. Dito sa Healthy Fix ay si Jodi na rin ang tumatayo nilang endorser.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …