Sunday , April 20 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cayetano, nagpasalamat kay Digong at supporters (Sa pagwawakas ng speakership)

NAGPASALAMAT si dating Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakataon na makapgsilbi bilang Speaker of the House sa kanyang facebook live noong Martes.

Pinasalamatan din niya ang kanyang supporters lalo ang mga Kongresistang kasapi ng NUP o National Unity Party, NP o Nacionalista Party at mga natirang supporters sa Lakas NUCD, partylist groups at iba pang partido politikal.

Irrevocable resignation ang ginawa ni Cayetano bago magtungo sa Malacañang upang magpasalamat kay Pangulong Digong. At dahil ayaw na magkagulo at may masaktan pang kongresista, hinayaan din ni Cayetano na makapasok sa plenaryo ng kamara ang mga tropa ni Velasco matapos nilang gibain ang pintuan sa ikalawang palapag ng session hall gallery.

Humingi rin ng paumanhin si Cayetano kay Digong kung nagkamali siya ng pag-intindi na siya ang dapat humawak sa 2021 budget hanggang ito ay maipasa.

Sabi ni Cayetano, ang kamara ay isang institusyon na hindi dapat binabastos.

Maaari aniyang magpalitan ang mga lider ng kamara ngunit hindi dapat hayaang mabuwag ito bilang institusyon.

Hindi umano dapat isnabin, balewalain ng taong bayan ang 15 buwan na speakership ni Cayetano. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, naitala ng kamara at ng isang Speaker of the House ang pinakamataas na trust at approval rating dahil sa magandang performance nito.

Sabi nga ni Senador Ralph Recto, maikli lang ang pagiging speaker ni Cayetano pero ‘spectacular’ ang naging performance nito. Welcome na welcome din aniya ang dating speaker na bumalik sa ‘smaller but smarter house’ o senado dahil siguradong panalo siya at walang kahirap-hirap kung babalik ulit sa senado.

Tandaan din na hindi nagpahinga ang kamara sa pagtatrabaho kahit nitong kasagsagan ng pandemyang CiVid-19 para isabatas ang priority measures ni Digong tulad ng Bayanihan 1 at 2, ABS-CBN franchise, Salary Standardization Law at iba pang panukalang batas.

Nangako rin si Cayetano na magiging bahagi siya ng solusyon at hindi ng problema ng bansa at patuloy na susuporta para maaprobahan ang national budget na kinakailangan ng bansa lalo ngayong humaharap tayo sa pandemyang CoVid-19.

Gayonman pinaalalahanan nito si Velasco sa kanyang ‘word of honor’ at sa pagtatalaga ni Cayetano ng iba pang mga house leaders na kapartido ni Velasco noong siya pa ang namununo sa kamara.

Oy mukhang may susunod pang senaryo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *