Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCOO’s P1.59-B 2021 budget makatulong kaya sa mga programa ni Pangulong Digong?

KULANG isa’t kalahating bilyon o P1.59 bilyon ang mungkahing budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na sabi ni Secretary Martin Paandar ‘este’ Andanar ay gagamitin umano sa komunikasyon para sa recovery ng bansa.

Nangako si Andanar sa budget hearing ng Senate Finance subcommittee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, na ang PCOO at ang attached agencies nila ay magpapatuloy sa pagsasabi ng totoo at magbibigay ng pag-asa na “better days are coming for the Philippines amid impacts of the coronavirus disease 2019 (CoVid-19).”

Pahayag ni Andanar sa Senado: “The PCOO’s budget for 2021 amounts to about P1.59 billion, which we will use to communicate to the people, as we recover as a nation, with the Duterte administration laying out the path for resilience and sustainability.”

Kung hihimayin ang budget, ang PCOO ang may pinakamalaking share na P472.3 milyon, kasunod ang Bureau of Broadcast Services (BBS) sa P405.5 milyones, at Philippine Information Agency (PIA) sa P317.6 milyon.

Ang Presidential Broadcast Staff Radio-TV Malacanang (PBS-RTVM) ang ikaapat sa P178.8 milyones, kasunod ang News and Information Bureau (NIB) sa P133.1 milyon, at ang Bureau of Communications Services (BCS) sa P68.6 milyones.

Habang ang National Printing Office (NPO) ay P11.9 milyones. 

Naglaan din ang ahensiya para sa government-owned-and-controlled corporations (GOCCs) na P150 milyon.

Sa halagang ito, P76.2 milyon ay para sa People’s Television Network (PTV-4) upang suportahan ang operasyon nito para sa mga programang may kalidad; P73.7 milyon sa Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) para sa maintenance at iba pang operating expenses.

Ang kabuuan nito ay P1.74 bilyon.

        Ang laki!

        Sa budget kaya na ‘yan ay maresolba na ang hinaing ng maliliit na empleyado sa ilalim ng PCOO?

        O baka naman mapunta lang sa sandamakmak na assistant secretaries at undersecretaries na mas madalas ay nakatanghod sa amo nila at tila nag-aabang ng ‘momong’ itatapon sa kanila?

        Kumusta naman ang mga incentives at benefits ng mga empleyado, kasama ba sila?!

        Ang isyu ng IBC 13 na matagal nang ‘pinangakuan’ pero hanggang ngayon ay walang katuparan, mangyari na kaya?!

        Ano na ba talaga ang nangyari sa joint-venture agreement ng IBC-13 sa mga Romero?! May pumasok ba talagang kapital?! O iginisa lang sa sariling mantika ang IBC 13?

        Sabi ng mga empleyado, mas mabilis pa raw dumami ang ‘ibinabahay’ este ‘bahay’ ng mga bagong salta sa PCOO kaysa serbisyo sa mga empleyado.

        In short, sabi ng mga staff nila, sanay magpalaki ng betlog pero malakas kumatkong sa budget.

Oy, sino ‘yan?!

Pangalanan na ‘yan!  

        Secretary Andanar, kilala mo ba ‘yan?! Baka naman puro bukol ka na diyan?!

        Hik hik hik!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *