Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
liquor ban

Liquor ban no more sa Valenzuela City

PARTY-PARTY na ulit ang mga tomador sa Valenzuela City dahil ipawawalang-bisa na bukas, 15 Oktubre ang Stay Sober Ordinance na nagbabawal sa pagbebenta, pagbili, at pag-inom ng alak sa lungsod.

 

Gayonman, tiyak na maninibago ang maraming manginginom dahil mahigpit nang ipinagbabawal ang pagtagay o paghihiraman ng baso sa kapalit na ipatutupad na Liquor Regulation During Pandemic Ordinance.

 

Batay sa nasabing ordinansa, kung iinom ng alak ay dapat na siguruhing nasusunod ang health and safety protocols na ipinatutupad sa lungsod.

 

Bawal rin ang pagbebenta ng alak tuwing curfew hours mula 10:00 pm hanggang 5:00 am. Hindi rin dapat bentahan ng alak ang mga menor-de-edad at buntis.

 

Bawal pa rin ang pagtoma sa mga pampublikong lugar at puwede lamang uminom ng alak sa mga tahanan o mga pribado/komersiyal na establisimiyento gaya ng restaurants.

 

Ang mga senglot o kahit nakainom lang ay hindi rin dapat na lumaboy pa sa kalye.

 

Nakasaad din sa ordinansa na hanggang apat na bote ng serbesa ang maaring ibenta sa isang indibiduwal sa mga restaurant at retail store kada araw, at hanggang isang bote ng hard drinks gaya ng brandy at whiskey ang puwedeng ibenta kada tao bawat araw,  at ganoon din ang panuntunan sa wine.

 

Sampung case naman ng serbesa ang puwedeng ibenta ng mga wholesaler, grocery store at dealer, at dalawang kahon kapag hard drinks.

 

Hindi rin puwedeng paghalu-haluin ang inumin dahil isang klase lamang ng nakalalasing na inumin ang maaaring ibenta sa isang indibidwal kada araw.

 

Maging ang videoke at acoustic live bands sa restobars at katulad na establisimiyento ay ibinawal na rin.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng karampatang parusa at maaaring matanggalan ng business permit. (ROMMEL SALES)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …