Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

King of Talk Boy Abunda patok agad sa YouTube viewers (Tulad ng mga show sa ABS-CBN)

KAILAN lang nag-umpisa sa kanyang digital show ang nag-iisang King of Talk ng Philippine Local

TV na si Kuya Boy Abunda na mapapanood nang regular sa sariling YouTube network na The Boy Abunda Talk Channel pero bukod sa 362K recent views ng upload nitong video ay mabilis rin ang pag-angat ng subsribers ni Kuya Boy na road to 50K subs na.

Yes unti-unti na ngang nadidiskubre ng kanyang fans and supporters sa ABS-CBN ang YT channel ng mabait na veteran host at kapag nalaman na ito ng lahat ay siguradong aabot sa 500K to 1 million o lampas pa ang magiging subscribers in the very near future.

Patok na patok sa viewers ni Kuya Boy sa buong mundo ang series ng BA’s Walk & Talk na tour ng Lipa Farm nila ng longtime partner na si Sir Bong Quintana na last October 12 ay napanood ang Part 5 nito. Very natural kasi ang atake at may aliw factor ang tuksuhan nina Kuya Boy at Bong. Saka outfit kung outfit si Kuya Boy habang tino-tour ang kanyang manonood sa malawak nilang Farm na may hanging bridges ang tree house.

Ilan sa segment na inyong mapapanood sa nasabing digital program ni Kuya Boy ang The Interviewer, The Blackout Convo, Boy Abunda Originals.

Mapapanood ninyo ang produced na BL Series ni Kuya Boy at ang kanyang hit na Spoken Mula Sa Puso kasama ang toddlers o bunch of young vibrant, exciting, and intelligent na sina Clark, Gabbi, at Sky. Sa mga hindi pa nakapagsa-subscribe, please subscribe sa YT Channel ni Kuya Boy and paki-like and share na rin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …