Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
money thief

P562-K natangay ng magnanakaw sa autocare

MAHIGIT sa kalahating milyon piso ang natangay ng hindi kilalang mag­nanakaw nang pasukin ang opisina ng Goodyear Autocare sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

Batay sa pinag­sa-mang ulat nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/Cpl. Michael Oben, dakong 7:00 am nang madiskubre ang insidente, ni Gregorio Macalos, 55 anyos, helper/caretaker ng Goodyear Autocare na matatapugpuan sa Lot C-03, Dagat-Dagatan Barangay Longos, ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Ma-calos sa pulisya, magre-report na siya sa kanyang trabaho nang madis-kubreng bukas ang pinto ng kanilang opisina at magulo ang loob nito.

Kaagad ini-report ni Macalos ang insidente sa may-ari na si Victor Araga, 68 anyos at matapos ang isinaga­wang inventory ay natuklasan na nawawala ang aabot sa P562,000 halaga ng salapi na nakalagay sa tatlong vault.

Nang suriin ang kuha ng CCTV camera, isang lalaking suspek ang lu-mapit sa kanilang opisina mula sa rooftop ng gusali saka pumasok sa loob dakong 1:00 am saka tinangay ang naturang halaga.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …