Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newcomer actor Sean De Guzman, Perfect Choice, ‘di makapaniwala na siya na ang bida sa “Anak Ng Macho Dancer na ipo-prodyus ni Joed Serrano

Last Wednesday sa pamamagitan ng physical presscon sa isang resto bar sa Kyusi na may social distancing, siyempre pinairal at kailangan naka-face mask at face shield ang lahat ng invited na

Entertainment press. Pormal na ipinakilala ang gaganap sa unang film venture ni Joed Serrano na

“Anak Ng Macho Dancer” sa ilalim ng The God Father Productions ni Joed, siya ay walang iba kundi ang very innocent pero ang lakas ng sex appeal na newcomer actor na si Sean de Guzman. Matagal nang miyembro ng All-Male Dance Group na Clique V.

At may malaking pasabog agad si Sean sa press, ipinakita nito ang husay sa macho dancing with match­ing bonus na dukot sa kanyang private part kaya nagtilian ang lahat ng bading. Meaning walang inhibitions o limitations itong si Sean lahat ay gagawin para sa ikakaganda ng Anak ng Macho Dancer lalo’t direktor niya sa launching movie ang batikang si Direk Joel Lamangan.

Saka ang edges ng baguhang aktor sa lahat ng mga nag-auditions para sa nasabing papel ay malaki ang pagkakahawig ng mukha niya sa original macho dancer noong 1988 na si Allan Paule na idinirek ni late Lino Brocka.

Si Allan na rin bale ang gaganap na tatay ni Sean sa movie kaya muling mapapanood ang beteranong aktor na gigiling sa entablado. Kabilang rin sa cast sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, William Lorenzo, Miko Pasamonte na mala-Daniel Fernando ang magiging character, newcomers na sina David, Mhack at Ricky.

Ang sikat na scriptwriter ng ABS-CBN na si Henry King Quitain ang susulat ng kuwento nito na may blessing ang original scriptwriter na si Mr. Ricky Lee. Parte rin ng production si Madam Grace Ibuna na amiga ni Joed at business consultant.

Samantala, narito ang naging tugon ni Sean nang tanungin siya ng press sa kanyang pagkakapili ng bagong movie outfit ni Joed para maging title roler dito sa Anak Ng Macho Dancer.

“Parang nasa alapaap ako sa saya. Ninerbiyos po talaga ako. Parang hindi ako makapaniwalang heto na… ang hinihintay kong break. Hindi ako nakatutulog nang maayos lately dala ng sobrang excitement. I promise to do my very best na magampanan ang napakahalagang role as Anak ng Macho Dancer. Pinaghahandaan na ng loob ko ang sexy scenes, na ipagagawa sa akin ni Direk Joel Lamangan. Maraming salamat po Sir Joed Serrano sa tiwala,” nakapa-humble na pahayag ni Sean. Ilalarawan rin sa pelikula ang kahirapan sa gitna ng pandemya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …