Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mamatay na sa ‘expired’ na gamot huwag lang sa ‘hostaged’ na budget?

AYAW daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mamatay na Filipino dahil sa kawalan ng gamot sa mga ospital.

Sinabi niya ito kaugnay ng nakabinbing national budget para sa 2021.

Nabinbin ang budget matapos ideklara ni Speaker Alan Peter Ceyatano na pasado sa second reading ang 2021 national budget at sinuspendi ang sesyon ng Mababang Kapulungan hanggang 16 Nobyembre.

Aba, naalarma ang Pangulo kasi nga naman, kasado ang Duterte administration sa pagbili ng bakuna laban sa CoVid-19 pero bakit tila hindi ‘in unison’ ang kongreso sa layunin ng Executive Branch na mabigyan agad ng bakuna ang mamamayan?!

Kaya hayan, matindi ang banta ng Pangulo kapag hindi naaprobahan ng Mababang Kapulungan ang 2021 national budget.

“Pero ang pakiusap ko, ayusin ninyo at isipin ninyo ang (P)Filipino na nasa ospital ngayon na kailangan ng medisina at iyong mga Filipinong mamamatay ngayon, ganitong oras na walang gamot, wala lahat, kulang. At hindi ko talaga maintindihan isa pa ito na may mamatay sa ospital ng gobyerno dahil walang medisina.

“Huwag na huwag akong makarinig nang ganoon, sa totoo lang.”

Tila nagbabantang pahayag ng pangulo.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit sinasabi ng Pangulo na magkukulang ng medisina ‘e kailan lang pumutok ang balitang mayroong P2.2 bilyong ‘expired overstocked medicines & supplies’ ang Department of Health (DOH)?!

Wattafak!

Mahigit dalawang bilyong pisong halaga ng gamot na nawalan ng bisa (expired) sa panganglaga ng DOH habang marami tayong mga kababayan na walang pambili ng gamot kapag nagkakasakit?!

Dapat sa DOH muna magalit si Pangulong Digong at bigyan ng matinding babala dahil mukhang isa sila sa nag-aaksaya ng pera at buwis ng bayan.

Ang pagpapagaan sa buhay ng mamamayang Filipino, sa palagay natin ay hindi lang nag-uumpisa at natatapos sa pag-aaproba ng national budget.

Dapat nababantayan ang budget kung talagang inilalaan at ginagastos para sa mamamayan.

Gaya nga nitong sa DOH, bakit hinayaang ‘malapit’ na ang expiration date saka naisipang ipamigay sa mamamayan?!

‘Yung pamamahagi lang ng supplements na sodium ascorbate with zinc sa panahon ng pandemya bakit hindi gawing  tuloy-tuloy ng DOH?!

‘Yung libre o mababang bayad sa swab test, bakit hindi kayang gawin ng DOH sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan (LGUs)?

Bakit doon hindi nagagalit si Pangulong Digong?

Ang sagot daw kasi ni Secretary Francisco Duque III, ang CY 2019 COA – Consolidated Annual Audit Report (CAAR)  ay mula Enero – Disyembre 2019.

Malaki na raw ang pagkakaiba ng kasalukuyang status ng DOH Central Office figures.

“We are one with the Commission on Audit and we are closely working with them in deploying and dispatching commodities in a timely manner. I thank the many hardworking men and women of DOH who have successfully found a way to address these issues. Despite the pandemic, the DOH has continued the distribution of medicines and supplies,” sabi ni Duque.

At dahil napansin na umano ng Commission on Audit (COA) kaya ngayon ay nagpapatupad na rin umano ng reporma ang DOH.

Isa raw sa mga nagsusulong niyan ang dedikadong Procurement and Supply Chain Management Team (PSCMT) at ang reorganisasyon ng Disease Prevention and Control Bureau (DPCB), ang enkargado para sa pagdedetermina ng commodities and supplies para sa local government units (LGUs).

O lusot na naman si Duque.

Kung gayon, marami pala talaga tayong dapat ipagpasalamat sa ‘salot’ na CoVid-19 dahil kung hindi sa pananalasa nila, hindi mabubuyangyang sa publiko kung gaano kalaki ang pondo ng DOH at PhilHealth na nalulustay nang hindi napapakinabangan ng taong bayan.

Mr. President sir, kahit pala pamadaliin ninyo ang pagpapasa ng budget sa Kongreso ‘e kung hindi naman mapupunta sa kapakinabangan ng mahihirap nating mamamayan, e ano pong silbi?!

Pakitanong na lang po kay Secretary Duque, ano ang mararamdaman niya o isasagot niya kapag naaprobahan na ang national budget para sa 2021?!

E di, “Yeheeey!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *