Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eat Bulaga tuloy-tuloy sa pagpapasaya at pamimigay ng papremyo sa dabarkads sa buong bansa (The more the merrier!)

SA MAHIGIT apat na dekada o 41 years sa ere ng Eat Bulaga ay never na ipinagsigawan ng longest- running noontime variety show na number sila at pinakamatagal na show sa Philippine Local TV na kahit ilang pangtanghaling programa na ang itinapat at bumangga sa kanila, pinakahuli ang noontime show ng ABS-CBN ay hindi nila ito ipinagyabang bagkus nananatili silang humble and down to earth. At ngayong nagbabalik na ang katapat nila sa Dos sa free TV at may dalawang bagong show sa TV5 at NET25 na itinapat sa Bulaga ay never na magre-react dito ang said program bagkus ay ipagpapatuloy na lang nila ang pagbibigay saya at pamimigay ng malalaking paremyo sa mga Dabarkads sa buong bansa. Saka ano ang dapat na ika-insecure ng EB e, ‘yung segment nilang “Bawal Judgemental” ay tinatangkilik araw-araw kahit saan.

Kaya ating samahan sina Bossing Vic Sotto na may bonus pang daughter nila ni Pauleen Luna na si Talitha. Walang patid rin ang hatid na aliw at tuwa sa inyo ni Pinoy Henyo Master Joey de Leon, Jimmy Santos, Maine Mendoza kasama ang JOWAPAO (Jose Wally at Paolo) at Ryan Agoncillo at iba pa para sa iba’t iba nilang segment na Tabuhay sa TV, Pamilya Nunal, Pinoy Henyo Online, at ang non-stop na pamimigay ng sangkatutak na premyo at cash sa Juan For All, All For Juan na agad-agad ay ipinadadala sa daily winner ang kanyang napanalunang prizes at anywhere in Pinas ay puwedeng sumali rito.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …