Saturday , November 16 2024
Navotas

Navotas positivity rate bumaba sa 5%

NAABOT ng Navotas city ang threshold ng World Health Organization (WHO) na limang porsiyentong positivity rate sa CoVid-19.

Ang City Health Office ay nakapagtala ng 72 bagong kaso mula sa 1,458 tests na isinagawa mula 27 Setyembre hanggang 3 Oktubre 2020.

“A low positivity rate suggests that there are fewer people in Navotas getting infected with the coronavirus disease (CoVid-19) out of 100 tested, only five turned out positive,” paliwanag ni Mayor Toby Tiangco.

“While we are relieved that our CoVid situation is not as dire as before, we should continue to be careful and vigilant. Our numbers could still skyrocket any time, especially if we disregard safety measures,” dagdag ng alkalde.

Sinabi ni Tiangco, ang lungsod ay nagtala ng nakagugulat na 54% positivity rate sa linggo ng 17-23 Mayo.

Nagtala din ito ng 920 bagong kaso noong 2-8 Agosto, isang linggo matapos magpatupad ang Navotas ng 14-day lockdown sa buong lungsod at nagsimulang magsagawa ng malawakang community testing.

“Let those harrowing weeks serve as our lesson and warning. Lives are at stake. We cannot let our guard down,” aniya.

“We need to continue our strategy of intensified community testing, contact tracing and isolation and treatment. We should aim to reach and sustain a three percent positivity rate for two weeks,” ani Tiangco.

“As of October 5, ang Navotas ay may 165 active cases, 141 ang namatay, at 4,639 ang recoveries,” kompirma ni Mayor Tiangco.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *