Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Consul General Tago sa Sydney, Australia ‘inutil’ at pabaya sa OFWs sa Saudi Arabia

DESMAYADO ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagtatalaga sa puwesto kay Consul General Ezzedin H. Tago, isang half Filipino, half Egyptian sa Philippine Consulate sa Sydney, Australia.

‘Inutil’ umano at pabaya bilang opisyal ng Philippine Consulate sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kaya umabot sa 15,000 ang distressed OFWs na hindi inasistehang makauwi sa bansa.

Kaya naman nagtataka sila kung bakit hinayaan pang makaupong ambassador sa Sydney Australia.

Nabigyan ng bagong puwesto kahit walang pagtingin sa mga Filipino o OFWs na nagpapasuweldo sa kanya.

Ayon sa mga OFW, suplado, abusado, bastos at mahirap kausap si Tago noong nakaupong Ambassador sa Saudi Arabia.

In short, ‘deadmatic’ sa mga OFW na dugo’t pawis ang ibinubuwis na pinagmumulan ng komportableng buhay ni Tago.

Si Tago umano ay walang ipinag-iba sa pharaoh na nang-api sa lahi ni Moises gaya ng mababasa sa Old Testament.

Maliit umano ang tingin ni Tago sa mga OFW kaya kapag may reklamo laban sa malupit na among Arabo, wala silang maaasahang kahit anong klaseng pag-alalay.

Madalas anilang mas kinakampihan ni Tago ang mga itinuturing niyang kalahing Arabo kaysa OFWs na may reklamo laban sa kanilang amo.

Si Tago umano ay anak ng isang Egyptian kaya siya ay ipinanganak at lumaki sa Egypt. Ang kanyang ina ang Egyptian at ang ama naman ay Pinoy.

Laking pasasalamat ng mga OFWs noong sipain si Tago bilang Ambassador sa Saudi Arabia, ngunit laking gulat nila nang mabalitaan na tila na-promote pa matapos maitalagang consul general o Chargé d’affaires sa Sydney Australia, isang posisyon na may suweldo at allowance ng isang ambassador.

Ang kaibahan lang, hindi ito dumaan sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA). Mismong ang hinayupak na si Tago ang sinabing nagtalaga sa kanyang sarili bilang Consul General sa Sydney, Australia dahil dati siyang head  ng Human Resources Management Office ng Department of Foreign Affairs (HRMO-DFA), ang tanggapan na nagtatalaga ng mga Chargé d’affaires o consul general.

Ibig sabihin kahit may kinakaharap na reklamo dahil sa pagiging inutil sa kanilang area of jurisdiction at hindi papasa kung sakaling isalang sa Commission on Appointments, pero dahil itinalaga ng HRMO-DFA ay nakalulusot tulad nitong si Tugok ‘este si Tago.

Labis ding ipinagtataka ng mga OFW na naghalal kay Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit naitalaga si Tagop gayong siya ya nagsilbing protocol officer ng adminsitrasyon ng dating pangulong si Noynoy Aquino.

Matindi ang hiling at pagigiit ngayon ng mga OFW kay Pangulong Duterte na agarang sibakin si Tago sa puwesto dahil inutil at sayang ang pera ng taong bayan na ipinangsasarap-buhay nito sa Australia.

Anila, natutustusan ni Tago ang lucrative and expensive lifestyle nito gamit ang buwis mula sa dugo’t pawis ng OFWs na itinuturing na mga bagong bayani ng bansa.

Umaasa ang mga OFW na pakikinggan ang kanilang panawagan na agarang pagsibak sa puwesto kay Tago.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *