Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

Misis na sakay patay mister na driver sugatan (Tricycle sinoro ng SUV)

BINAWIAN ng buhay ang isang misis na sakay ng tricycle matapos silang banggain ng isang humaharurot na sport utility vehicle (SUV) sa Quirino Highway, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 5 Oktubre.

 

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Sharon Ancheta, habang sugatan ang kaniyang mister na driver ng tricycle na si Genesis Ancheta.

 

Samantala, nadakip ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS) ang driver ng SUV na kinilalang si Doren Sapil, 42 anyos, residente sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal.

 

Nabatid sa ulat, unang nasagi ni Sapil ang isang nagbibisikleta na kaniyang tinakasan kaya humarurot sa pagmamaneho ng SUV.

 

Sa pagmamadaling makatakas, nabangga ng SUV ang tricycle ng mag-asawa na sa lakas ng pagkabangga ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar kaya tumilapon ang mga biktima.

 

Bumaligtad ang SUV sa bahagi ng Quirino Highway na tiyempong nakasagi pa ng isang dumaraang kotse sa lugar.

 

Nang arestohin, napag-alamang lasing si Sapil na ngayon ay nakadetine sa SJDM CPS custodial facility at nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …