Saturday , November 16 2024

Wanted sa Aklan timbog sa Bulacan

ARESTADO ang isang ‘most wanted person’ dahil sa kasong rape, sa pagpapatuloy ng anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang noong Linggo, 4 Oktubre.

 

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si John Lee Villegas, kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan ng Aklan.

 

Hindi na nakapalag ang akusado nang arestohin sa Barangay Cacarong Bata, sa bayan ng Pandi, dakong 12:00 ng tanghali kamakalawa, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong panggagahasa na inisyu ni Hon. Bienvenido Barrios, Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 3 ng Kalibo, Aklan na may petsang 20 Nobyembre 2019.

 

Nabatid, matapos isagawa ang panggagahasa sa Aklan, nagpakatago-tago ang akusado hanggang makarating sa Pandi, kung saan natunton siya ng Bulacan police.

 

Ikinasa ang manhunt operation ng magkasanib na puwersa ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (21st PMFC) at Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ikinatimbog ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *