Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mamba walang puso para sa mga guro (Bulag ka ba Mr, Governor?)

BAKIT kaya sandamakmak ang mga politiko sa ating bansa na walang alam kundi laitin ang mga propesyonal nating kababayan na overworked but underpaid?

Gaya nitong si Cagayan Governor Manuel Mamba na walang pakundangan at walang paggalang sa pagsasakripisyong ginagawa ng mga guro ngayong panahon ng pandemya.

Heto ang eksaktong sinabi ni Mamba: “Well sa tingin ko, nag-eenjoy sila. Nagsusuweldo sila wala silang ginagawa (laughter). Kaya nga dapat huwag na silang magreklamo dahil sa totoo lang po ‘no, I think meron tayong law, matatanggalan naman ng konti, dahil sa totoo lang, madami naman tayong nasesave sa work from home. Parang lugi po ‘yung gobyerno e, na nagsusuweldo ng tama. Lahat ng perks nandoon, and yet hindi nare-reciprocate sa work.”

Baka nalilimutan nitong si Mamba na ang mga guro ay maituturing nang ‘frontliners’ dahil sa kabila ng pandemya ay sasagasain nila ang mga balakid upang maturuan ang mga mag-aaral na gaya nila ay mangungunyapit sa isang sistemang sasandal sa hindi maasahang internet sa bansa.

Parang gusto na nating tawaging ‘nuno’ ng mga walang utang na loob ang mga politikong gaya ni Mamba na matapos ipagkatiwala ng mga mamamayan ang kanilang boto ay tutumbasan nila ng pang-aalipusta?!

Hindi natin alam kung ano ang track record ni Mamba noong siya ay doktor pa. Nagpraktis ba siya talaga ng pagdodoktor?!

Pero bilang propesyonal wala siyang karapatang husgahan o laitin ang pagganap sa tungkulin at trabaho ng ating mga guro.

Posibleng tama ang sinasabi niya na nag-i-enjoy ang mga guro sa kanilang propesyon dahil para sa kanila iyon ang kanilang tungkulin sa bayan.

Pero ‘yung sabihin na nag-i-enjoy ang mga guro dahil wala silang ginagawa ngayong panahon ng pandemya, isang malaking kalapastangan ‘yan.

Hindi ba alam ni Mamba na noong Hunyo pa lamang ay nagre-report na ang mga guro sa kanilang mga paaralan?! Kahit sinasabing hindi dapat lumabas ng bahay upang maging ligtas laban sa CoVid-19, obligado silang magpunta sa eskuwelahan dahil doon lang sila may wi-fi.

Alam din kaya ni Mamba na ang mga guro nila sa Cagayan (may retrato) ay sinasagasa ang init ng araw, ulan, lumulusong sa ilog, dumaraan sa pinagdugtong-dugtong at umuuga-ugang tulay upang maghatid ng modules sa kanilang mga mag-aaral?!

Modules ang inihahatid ng mga guro sa kanilang estudyante kapag hindi online at “asynchronous class.”

And for your information (FYI), pakitaktak sa kukote ninyo, linggo-linggong gumagawa ng module ang mga guro para ihatid sa kanilang mga estudyante.

Ang module na ‘yan ay pini-print nila on their own. Sarili nilang gastos ang tinta, papel, upa sa internet o pagbili ng load para sa data.

‘Yung suweldo nilang kakarampot na dapat ay maiuuwi nila sa kanilang pamilya, babawasan pa nila dahil sa dedikasyon nila sa kanilang propesyon at pagmamahal nila sa mga bata at sa bayan.

‘Yan ba ang sinasabi mong “…Nagsusuweldo sila wala silang ginagawa (laughter)… I think meron tayong law, matatanggalan naman ng konti…parang lugi po ‘yung gobyerno e, na nagsusuweldo (na)ng tama. Lahat ng perks nandoon, and yet hindi nare-reciprocate sa work.”

‘Yung propesyonal, may sinasabing ‘PRO BONO’ kapag libre ang serbisyo, ang mga teacher laging ‘ABONO’  kahit kakarampot ang suweldo.

Ikaw ba, Governor Mamba, anong pagmamahal na ba ang ipinakita mo sa bayan?!

‘Yung pagmamahal na walang pag-iimbot at walang ‘vested interest.’

Sana lang, kung wala kang masasabing mabuti sa mga kababayan mong nabola mo kaya ka ibinoto, lalo na sa mga guro, itikom mo na lang ang malaki mong bibig.

Kung ‘dila’ mo nama’y nadulas lang o talagang hindi mo naiintindihan ang mga sinabi mo, humingi ka ng public apology — ‘yung totoong paumanhin. ‘Yung galing sa puso.

Sana lang Gov. Mamba, lagi ninyong tatandaan na ibinoto kayo ng mga mamamayan dahil naniniwala silang ‘maayos’ kayong mag-isip at kaya ninyong maglingkod sa bayan.

‘Yang pagkakaroon ninyo ng posisyon, utang na loob ninyo ‘yan sa bayan, at hindi lisensiya para manalit kayo ng mga propesyonal.

By the way, gusto lang natin tanungin, ‘magkaklase’ ba kayo ng isang senadora na wala rin alam sabihin kundi maliitin at laitin ang ating mga  guro, nurses, at ang mga kababayan nating biktima ng CoVid-19?!

Para kasing iisang ‘school of thoughts’ ang pinanggalingan ninyo?!

Hik hik hik!

O kaya, para kayong choir na ‘in unison’ ang ‘tono’ o ang sinasabi?!

O heto ang larawan at ang sabi ng isang guro Gov. Mamba: Ang nakikita n’yo sa larawan ay mga guro sa Cagayan Province na ayon sa kanilang gobernador ay ‘wala naman daw ginagawa.’   Heto sila, tuloy pa rin sa trabaho kahit bumabagyo. (Photo by Ma’am Fraida Culcul Anzo)

Ayon kay Ma’am Anzo, “Gov po namin ‘yan…nakakasakit ng damdamin… ba’t d niya alam ginagawa ng mga guro niya… wala na nga kaming time sa family namin e… eto pa kahit umuulan bumabagyo po kami.”

Gov. Mamba, these teachers deserve more than a public apology from you…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *