Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Viral dancer-vlogger DJ Loonyo pinalitan nga ba si Alden Richards sa Eat Bulaga?

ARAW-ARAW nang napapanood sa Eat Bulaga sa kanyang segment na sumasayaw ang sikat na vlogger-dancer na si DJ Loonyo. At dahil pareho silang mahusay sumayaw ng Pambansang Bae na si Alden Richards ay may ilang netizens ang nagtatanong kung regular na ba sa Bulaga si Loonyo at pinalitan nga ba nito si Alden na ilang weeks nang hindi nasisilayan ng dabarkads at AlDub nation sa nasabing number one and longest running noontime variety show.

In fairness ang daming fans ni DJ Loonyo at lahat sila ay nakatutok ngayon sa idolo nila sa Bulaga. Pero siyempre solid pa rin ang fans ni Alden at ni Maine Mendoza kaya umaasa pa rin sila na isang araw ay bubulaga na lang sa show si Alden at sabay na makikisayaw sa original na loveteam na si Maine.

Pahiya pala ‘yung mga nagpakalat ng maling tsismis na magpapaalam na sa ere ang Eat Bulaga. Butata sila sa kanilang fake news dahil tulad nga ng ating naisulat existing hanggang ngayon ang kontrata ng Tape Incorporated (producer ng Eat Bulaga) sa GMA7. Tuloy-tuloy silang mapapanood kasama ng very popular nilang segments like Bawal Judgemental, Juan For All All For Juan Agad-Agad, Team Bahay Takbuhan sa TV, Pinoy Henyo Online, at ang nakaaaliw at good vibes ang hatid na Pamilya Nunal.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …

Rita Daniela Viva

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist …

Arjo Atayde

Arjo Atayde: Turismo sa pelikula at telebisyon kayang iangat ang Pilipinas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANINIWALA si Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang turismo sa pelikula at …

Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na …