Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Velasco tablado na ba talaga sa term-sharing?

PARANG nakakuha raw ng fresh mandate si Speaker Alan Peter Cayetano nang ‘ibasura” ng 184 kongresista ang kanyang pagbibitiw bilang lider ng kamara noong nakaraang linggo.

Naniniwala si Deputy Speaker Neptali Gonzales isang batikang solon, na ganyan ang ibig sabihin ng nangyayari ngayong usapan sa term-sharing sa kamara.

Sabi ni Gonzales at ng iba pang kongresista taliwas ang ‘fresh mandate’ ni Cayetano sa paskil ni Cong. Allan Velasco sa Facebook imbes humarap at magsalita sa sesyon ng kamara.

Ayon sa solon wala silang pakialam sa tinawag niyang ‘Facebook statement’ ni Velasco at hindi nila ito kikilalanin bilang opisyal na pahayag dahil ‘di naman niya sa sesyon sinabi.

Sinabi ba ni Velasco na opisyal na pahayag niya ang kanyang paskil sa Facebook?!    

Pero kung ganoon nga ang kanyang ipinapalagay ano ngayon ang magiging impresyon ng mga tao sa kanya? Gusto ba niyang speaker ng kamara o mag-speaker ng mga blogger.

May dapat bang ikatakot si Velasco kapag natanong siya ng mga kapwa solon kaya hindi siya sa sesyon nagsalita gaya ng ginawa ni Cayetano noong nakaraang linggo?!

Siyempre naman hindi matatakot magsalita si Cayetano dahil lumalabas na ‘turf’ pa rin niya ang speakership kahit mayroon ngang gentleman’s agreement na term-sharing.

At hindi nga nalaglag ang ‘turf’ na ito, kahit nag-alok siya ng resignation.

Pero sino bang kongresista ang papayag na magpalitan ng speakership kung hindi pa naipipirmis ang budget?!

Pero tingin umano ng ibang kongresista hindi naman ito usapin ng term-sharing kundi atat lang daw maging speaker si Velasco gayong kung tutuusin malabong mangyari ito dahil ang super majority na mismo sa kamara ang nagdesisyon na tanggihan ang pagbibitiw ni Cayetano.

Kasunod nito, dumistansiya umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership issue sa kamara dahil ito ay purely ‘internal matter’ sa hanay ng mga kongresista at iginagalang daw ang nangyaring botohan noong Miyerkoles.

E bakit nga ba kasi naimbudo kina Velasco at Cayetano ang labanan sa speakership gayong mas marami pang magagaling, matatapang, at masisipag na mga kongresista na mas may karapatan upang maging speaker of the house.

Si Velasco, ano ba ang nagawa niya para maghanda bilang lider ng kamara? E ‘yung mga kapwa solon niya na mismo ang nag-aakusa na siya ay absentee congressman at ni hindi dumadalo sa pagdinig ng kanyang pinamu­munuang Committee on Energy.

May narinig ba tayo kay Velasco tungkol sa maiinit na isyu na bumagabag sa bansa gaya ng CoVid-19, Anti-terror Bill, PhilHealth issue, ABS-CBN franchise issue at iba pa?!

Dapat aminin ni Velasco sa sarili na ang speakership issue ay isang numbers game.

Period!

Kung walang numero huwag umasa na magiging leader ng kamara.

Nakalilimot yata ang marami sa separation of power ng ehekutibo at lehislatura. Paano magiging speaker ang isang kongresista kung hindi naman siya suportado ng kapwa mambabatas?

Saka nga pala, bakit sa taong bayan humingi ng sorry si Velasco sa sigalot ng kamara? Hindi naman siya national figure. Hindi rin naman siya speaker na matuturing na isang national official.

A siguro dahil pasuweldo siya ng taong bayan.

Pero sabi ng isang urot sa kamara, sana sa mga nasasakupan niya sa Marinduque nag-sorry si Velasco. Dahil marami siyang mga kababayan doon na nagrereklamo na patay sindi ang kanilang koryente, kahit si Velasco ang chairman ng House Committee on Energy.

Boom!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *