Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Co-rotarians, church co-ministry et al naki-celebrate sa birthday ni JC Garcia

Si JC Garcia ang kauna-unahang artist na nakapagdaos ng special event in celebration with his birthday in Fort McKinley Resto and Lounge sa San Francisco California.

And kahit nandiyan pa rin ang CoVid-19, para kay JC ay memorable one pa rin ang nangyaring Birthday concert niya na dumating ang halos lahat ng invited rich friends niya na nakipag­kantahan at nakipagsayawan sa kanya.

Aside sa said concert sa Fort McKinley ay sunod-sunod ang birthday treat for JC at nais niyang pasalamatan ang lahat ng mga nakisaya sa kanya tulad ng isa sa kanyang bestfriends sa Sacramento, California na si Milena Castañeda Arceo na naka-duet niya noong 90s sa first single na “Forever In Your Eyes.” Composition ito ni Nikiya and produced ng late director na si Jessie Pangilinan and late actor-comedian Prospero Luna. This was sold all over US na distributed by Tower Records.

Sa isang class resto kumain ang magkaibigan. Amazing European food naman ang treat kay JC ng friend and dancing and singing partner na si Jennifer Poblete. Binigyan ang Pinoy international singer ng libreng room sa Thunder Valley Casino Resort ng longtime BFF niya since 1995 na si Elvira Capistrano and Emily Buenaflor Burns and Mely Clark na treated him in a sumptuous dinner. At siyempre hindi rin nagpahuli ang matalik na kaibigan na kapwa singer ni JC na si Yolanda Siracusa na sa Marriot Hotel naman siya ini-blowout.

Nakasama muli ni JC sa kanyang final birthday celebration ang mga co-Rotarian officers and members sa Fort McKinley na ilan sa kanila ay businessman, doctors, FBI, at building owners.

And sa para sa kanyang actual natal day kasama ng ministers and brethren (mga kapatid) ay sa simbahan niya ito ini-celebrate. Every year niya itong ginagawa bilang pasasalamat na sa Itaas sa blessing at good health na ibinibigay sa kanya.

In fairness, marami siyang handa sa okasyon na ito. From all of us here, happiest birthday for you JC Garcia.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …