Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua Garcia mature person mas type ngayon (Ayaw na sa batang gaya ng ex na si Julia)

Sa recent collab vlog nila ni Erich Gonzales na mahigit one million na ang subscribers sa YouTube, sinagot ni Joshua Garcia ang tanong sa kanya ni Erich kung ano ang qualities na hanap ng actor sa isang babae.

Deretsahang tugon ni Joshua, type raw niya sa girl ay ‘yung maalaga at marunong sa lahat ng gawaing bahay at dapat family oriented na tulad niya. Ayaw na rin daw ng Kapamilya actor sa young girls at ang gusto niya ay mature na babae na puwedeng magturo sa kanya ng tama at mali sa buhay.

So reading between the lines ay hindi na feel ni Joshua ang kaedad niya na tulad ng kanyang ex na si Julia Barretto na very controversial ngayon.

At kung ano ang mga ginawa ng actor during lockdown, sinabi niyang natuto siyang magbasa ng libro at magluto at gumawa ng vlog sa sarili niyang YT channel.

During interview ay ipinagluto ni Joshua si Erich ng specialty niyang adobong manok with a twist. Ibinalita rin ni Joshua na may gagawin siyang movie sa Star Cinema pero hindi pa niya alam kung sino ang magiging co-stars niya sa project niyang ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …