Thursday , December 19 2024

Distancia amigo? Liderato sa Kamara ‘tapos’ na

PINANINIWALAANG resolbado na ang isyu ng liderato sa kamara kasunod ng pagdistansiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.

Ang pagdistansiya ng Pangulo sa nasabing isyu, kahit si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay sinabing kaalyado ng pamilya Duterte, ngunit hindi napaboran sa usapin ng term-sharing nito kay Rep. Alan Peter Cayetano, ay pinaniniwalaang ‘respeto’ sa pagbasura ng mga mambabatas sa alok ng huli na magbibitiw bilang Speaker noong Miyerkoles bilang lider ng kamara.

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa press briefing kahapon, matapos kompirmahin ang muling pagkikita ng pangulo at ni Cayetano sa Malacañang noong Miyerkoles ng gabi.

Kasama ni Cayetano si Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, Sen. Pia Cayetano, at ang misis na si Congw. Lani Cayetano. Nasa pulong din si Sen. Bong Go.

Ibinahagi ni Roque na personal niyang tinanong ang pangulo tungkol sa isyu ng house leadership at sinabi umano nito na “stay-out tayo riyan” dahil ito ay internal matter sa pagitan ng mga mambabatas.

“Stay out tayo riyan, no comment tayo riyan, that’s purely an internal matter of the House,” ayon kay Roque na aniya’y sinabi ni Duterte sa kanya.

Inihayag din ni Roque, sa kanyang palagay ay tapos na ang kontrobersiya tungkol sa house leadership batay sa ginawang pagbasura ng kamara sa pagbibitiw ni Cayetano.

“I believe the House controversy is over.”

Sinabi ni Roque, ipinauubaya na ni Duterte ang desisyon tungkol sa house leadership sa bawat miyembro ng kamara.

“The president has left the decision on the house leadership to the individual members of the House of Representatives.”

Matatandaang ipinatawag ni Duterte sina Cayetano at Cong. Lord Velasco noong Martes sa palasyo upang pag-usapan ang term-sharing sa liderato ng kamara.

Sinabihan umano ni Duterte si Velasco na sa Disyembre na lang siya umupo bilang speaker dahil tinatalakay pa ang 2021 national budget sa kamara ngunit ipinilit umano ni Velasco na sa 14 Oktubre dapat gawin ang palitan ng house leadership.

Noong Miyerkoles ay nagsalita si Cayetano sa sesyon ng kamara at ibinulgar ang detalye ng pag-uusap sa palasyo kasama na rito ang pagpupumilit ni Velasco na maupo bilang speaker sa ilalim ng kanilang term-sharing agreement.

Minabuti ni Cayetano na bumaba sa puwesto noong Miyerkoles at nag-alok ng kanyang resignasyon bilang lider ng kamara ngunit nagmosyon si partylist Cong. Mike Defesor na ibasura ang pagbibitiw ni Cayetano.

Sa botohan, 184 solons  ang tumanggi na magbitiw si Cayetano, 9 ang nag-abstain habang isang lang ang umayon na siya ay magbitiw.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kongreso na may nagbitiw na Speaker of the House ngunit tinanggihan ng mga kapwa mambabatas.

DUTERTE ‘DEADMA’
SA NABALEWALANG
‘GENTLEMAN’S
AGREEMENT’

DEADMA na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbalewala ni Speaker Alan Peter Cayetano sa 15-21 term sharing agreement nila ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Sa katunayan, magkasama sina Pangulong Duterte at Cayetano nang i-pray over ni CIBAC partylist Rep. Bro. Eddie Villanueva sa Palasyo kamakalawa ng gabi.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, matagal nang nakatakda ang pray over ni Villanueva sa Pangulo at nagkataon lamang na katatapos  ang pagbasura ng mga kongresista sa pagbibitiw ni Cayetano bilang speaker.

“Nagkataon po na ang pangyayari sa Kamara kahapon ay nangyari roon sa scheduled meeting sa panig ni Deputy Speaker Brother Eddie Villanueva at ng Presidente. Pero ang main dahilan po roon ay para i-pray over ang ating Presidente, na nangyari naman po,” aniya.

“Ito po ay ini-arrange two weeks ago pa by Brother Eddie and it really is a pray over,” dagdag ni Roque.

Nanindigan aniya ang Pangulo na iginagalang ang desisyon ng mga mambabatas at internal na usapin ng Mababang Kapulungan ang pagpili ng Speaker. (ROSE NOVENARIO)

 

About Hataw Dyaryo ng Bayan

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *