Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aiai delas alas

Ai Ai, nanibago sa walang audience na sumisigaw sa The Clash

WALA nang sumisigaw na audience nang mag-taping sina Ai Ai de las Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ng Season 3 ng Kapuso singing competition na The Clash.

 

Kaya nga aminado si Ai Ai na nanibago siya dahil bukod sa contestants, eh staff and crew lang ang kasama nila sa studio.

 

“So kami-kami lang ang nag-uusap! Ako ang nagpapatawa lalo na ‘pag gabing-gabi na! Kung ano-ano ang pinag-uusapan naming tatlo! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ai Ai sa virtual mediacon na naganap kamakailan.

 

Mas mahigpit silang tatlo bilang judges. May matatanggal agad sa clashers.

 

“Siyempre, hindi kami dapat paapekto sa sad stories ng contestants na halos karamihan eh naaapektuhan ng pandemic.

 

“Kompetisyon ito. Hindi puwedeng madala kami sa kuwento nila. Kailangan magaling talaga ang winner. Presentable, malakas ang stage presence at kailangan consistent ang performance pati choice of songs nila!” rason ng Comedy Queen.

Sa pagbabalik ng The Clash, napanatag ang kalooban ni Ai Ai dahil may trabaho na siya after more than six months na matengga sa bahay at nagpaka-baker upang hindi maubusan ng pera!

 

Ngayong gabi at sa Linggo ang unang bakbakan ng 30 finalists ng The Clash.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …