Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Killer ng online seller huli na

ARESTADO na ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang online seller noong Lunes ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Fernand Rafael, may mga alyas na Kevin Rafael at Balat, 26 anyos, helper sa Malabon Fish Port na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Sub-Station 5 at Special Reaction Unit (SRU) ng Malabon police dakong 12:00 ng tanghali kamakalawa sa kanyang bahay sa Gen. P. Boromeo St., Barangay Longos.

Ani Col. Tamayao, na-established ng mga imbestigador ang motibo ng suspek sa pagpatay kay Jerico Camino, 31 anyos, matapos niyang pagbabarilin kasama ang isang hindi pa kilalang kasabwat sa harap mismo ng kapatid ng biktima sa kanto ng Maya-Maya at Pampano streets, Barangay Longos noong Lunes, dakong 8:13 pm habang naghihintay ng kanyang online delivery para sa customer.

Napag-alaman ng pulisya na si Rafael ay nakulong kamakailan matapos maaresto at kinasuhan ng biktima ng robbery ngunit nakalabas matapos makapagpiyansa.

Sinubukan ni Rafael na makipag-areglo pero tumanggi ang biktima at sa halip ay itinuloy ang kaso dahilan upang patayin ng suspek si Camino.

Nadiskubre ng pulisya na si Rafael ay may standing warrant of arrest na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Carlos Flores ng Branch 73 sa paglabag sa Section 10 ng RA 7610 o ang Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakaaresto sa kasabwat ni Rafael na nagsilbi umanong lookout sa pamamaril sa biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …