HULI ang apat na miyembro ng isang sindikato ng droga, na nakuhaan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng shabu at isang baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga na-arestong suspek na sina Reynaldo Mabbun, 47 anyos, Michelle Concep-cion, 42 anyos, kapwa residente sa San Diego St., Barangay Canumay West; Oliver Edoria, 38 anyos, ng P. Santiago St., Barangay Paso de Blas at Josephus Jadraque, 36 anyos, re-sidente sa New Prodon, Barangay Gen. T. De Leon, resulta ng dalawang ling-gong paniniktik operation na isinagawa ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr.
Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang operation laban sa mga suspek at mula sa intelligence report na ibinigay ng intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay kinilala bilang si Reynaldo Mabbun.
Dakong 11:50 pm nang isagawa ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I sa bahay ni Mabbun sa San Diego St., na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakuha ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, kal. 357 Magnum Smith & Wesson revolver na kargado ng limang bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng dalawang P1,000 bill at 10 P1,000 boodle money, dalawang cellphone at P1,400 drug money.
(ROMMEL SALES)