Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myrtle, tanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers

ANG Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang natatanging Pinay na pasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa Southeast Asia.

Sa panayam ng 24 Oras, inamin ni Myrtle na hindi niya ito inaasahan. “Sobrang honor siya kasi sa previous seasons, walang Filipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season, kahit makapasok lang sa Top 600. Pero together with my teammates and other fellow Filipinos who played together with me, nakapasok kami sa Top 100,” pahayag ni Myrtle.

Ibinahagi rin ni Myrtle na minsan ay nakalaban niya sa Ragnarok si Alden Richards. Looking forward din siyang maka-collaborate ang aktor.

Kuwento ni Myrtle, “Sana maimbita ko siya to play with me. I actually played against him, sayang. I hope next time, we can play together naman. Nakakatuwa ‘yon, I mean he’s very good din sa video games at saka nakatutuwa rin ‘yung mga live stream niya. I hope we can collaborate.”

Kahit na abala bilang gamer, hindi pa rin mawawala sa puso ni Myrtle ang pagko-cosplay na rito siya unang nakilala. Sa katunayan, naging guest ni Myrtle sa online show ng GMA Artist Center na Cool Hub, ang cosplayers na nagwagi noon sa Gyeonggi International Cosplay Festival sa Bucheon, South Korea.

Maaaring mapanood ang kanilang fun interview sa GMA Artist Center YouTube channel.

Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …