Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ervin Yap Mateo “Anak ng Panday” welcomeback movie (Businessman/producer magbabalik)

Naging aktibo noong early 2000 sa paggawa ng maraming pelikula na majority ay action movies ang produced ng MMG Films ni Sir Ervin Yap Mateo at ilan sa malalaking action stars ang nabigyan nila ng proyekto.

Nakailang movies rin sa kanila ang actor-politician na si Mikey Arroyo at sila ang unang nagbigay ng break kay Boxing Champ Sen. Manny Paquiao sa movie na that time ay struggling ang career sa boksing.

This year mula sa mahabang panahon na hindi active sa showbiz ay balik sa paggawa ng film si Sir Ervin at ang “Anak ng Panday” ang kanilang comeback project.

Mula ito sa Starguide Media and White Eagle Films in cooperation of Oneworld Club and Oneworld Integration Network.

Bukod sa pagiging producer, si Sir Ervin rin ang magdidirek ng Anak ng Panday, katuwang ang co-director na si Zaldy Munda. Malaki ang casting ng movie na kinabibilangan nina Roi Vinzon, Lovi Poe, Gloria Diaz, Bembol Roco, Ynez Veneracion, Ricardo Cepeda, Jimmy Concepcion, Archie Adamos, Alfred Montero, at Lala Vinzon.

Puwedeng-puwede ilahok sa Metro Manila Film Festival this year o next year ang nasabing pelikula at titulo pa lang ay pampestibal na ang dating ng ultimate digital action film.

Samantala, intact pa rin ang ilang negosyo ng kompanya ni Mr. Ervin Mateo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …