Sunday , April 27 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Satisfied’ si Digong kay Cayetano (Bilang Speaker of the House)

KONTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagganap ni Speaker Alan Cayetano sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

‘Yan mismo ang sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.

At kung pagbabasehan ang satisfaction na ito ng Pangulo, tila hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo kung mapupunta lang sa mga bagito at walang sapat na karanasan at track record.

Sa kanyang interview sa online outlet na Mindavote, sinabi rin ni Secretary Roque : “Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Talagang close ako kay Alan.’”

Ayon kay Roque, masaya ang Pangulo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ay mabilis na naipasa ang pambansang budget para sa taon 2020.

Mabilis din aniya ang aksiyon ni Cayetano sa pagpasa sa mga batas tulad ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na kinakailangan para labanan ang CoVid-19.

Maging ang mga revenue-generating at tax reform bills na prayoridad ng Pangulo ay mabilis na naaksiyonan ng Mababang Kapulungan, dagdag ni Roque.

“Kung ikaw ay Presidente at natikman mo na kung paano nangyari ‘yung isang taon na iba ang Speaker at hindi naipasa ang budget, at nagkaroon tayo ng reenacted budget na naging dahilan kung bakit humina ang paglaki ng ekonomiya, siyempre mabibigyan mo ng importansiya ‘yung nakade-deliver sa pangangailangan ng administrasyon,” wika niya.

Nang tanungin tungkol sa opinyon ng Palasyo kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ka-term-sharing ni Cayetano, sinabi ni Roque na maaaring magkaroon ng problema si Velasco dahil sa kakulangan ng karanasan at hindi sapat na track record, lalo na’t kinakailangan ito upang makagawa ng pagkakasunduan sa mga miyembro ng Kongreso.

Arayku!

Malaking hambalos ito kay Velasco. Paano naman kasi busog sa track-record si Cayetano dahil nag-umpisa sa serbisyo publiko sa LGU, kamara, senado, at naging miyembro pa ng gabinete ni Digong.

Ang masaklap nito, ibinunyag ni Roque na tila hindi rin gaanong kilala ng Pangulo si Velasco, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang termino nito.

“Kung wala kang ganyang experience paano ka makabubuo ng consensus? Mahihirapan ‘yan,” sabi ni Roque.

Tsk tsk tsk… mukhang mahihirapan talaga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Tara, PNP, pustahan tayo!

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAHIRAP paniwalaan ang patuloy na paninindigan ng Philippine National …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Hustisya sa kuwaresma hatid ng PNP sa pamilya Que-Pabilio

AKSYON AGADni Almar Danguilan TUWING kuwaresma ang lahat ay nagpapahinga, nagbabaksyon, nagninilay, etc…dahil walang pasok …

Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPATni Mat Vicencio SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *