Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark ng UPGRADE, tutok sa negosyo

SIMPLENG birthday quarantine celebration ang isinagawa ni UPGRADE member Mark Baracael sa kanyang tahanan sa Quezon City last September 23, kasama ang mga kaibigan at ibang miyembro ng UPGRADE.

Ilan sa mga naging bisita ni Mark ay sina Rhem Enjvi; Armond Bernas, na may sarili ng negosyo, an Kain Tayo Par’s at RK Unlimited; Miggy San Pablo at Casey Martinez, owner ng Master Pizza, Japantastic at Switch Limited; Kisses; beautiful and sexy Cha Cha; Marianne; Christian; Mansaw; ang singer na si Bernadeth; Jun Jun at DJ Janna Chu Chu ng Brgy LSFM 97.1.

Wish ni Mark na matapos na ang Covid-19 Pandemic para maging normal na ang lahat.  “Siguro hindi lang para sa akin  para na rin sa lahat ng Filipino na sana mawala na ‘yung Covid-19, ang hirap kasing gumalaw, maraming restriction.”

Ilan sa pinagkakaabalahan nito ngayong pandemic ay ang kanyang negosyo. “Sa ngayon focus muna ako sa business ko like Master sisig, Mister siomai and siopao na matatagpuan sa Baranang Sta Anastacia Sto Tomas Batangas.

“Gusto ko kasing magkaroon ng maraming branches sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para na rin sa future ko, sa family ko at pamilya ko.

“Para na rin makabalik na kami sa Japan kasama ‘yung mga ka-grupo ko sa UPGRADE. Dapat kasi nakabalik na kami sa Japan kung hindi lang dahil sa Covid- 19 Pandemic.” pagtatapos ni Mark.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …