Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Walang ipinanganak para ‘matik’ na maging Speaker

HINDI biro ang trabaho ng Speaker ng Kamara. Hindi ito isang posisyon na may prestihiyosong titulo.

Ang Speaker ang mangunguna at gagabay sa mga kasama niya sa Kamara para maisabatas ang mga priority bills ng Pangulo. Dapat siyang epektibo at masipag na lider na kayang balansehin ang iba’t ibang interes ng halos 300 kinatawan ng Kongreso habang tinitiyak na ang mayorya ay pabor sa legislative agenda ng Malacañang.

Bilang Speaker, dapat ay mataas ang respeto ng mga kapwa kongresista. Kaya naman dapat ay bigatin ang track record at experience ng isang Speaker para igalang ng kanyang mga kasama sa Kongreso.

May punto si Capiz Rep. Fredenil Castro nang kanyang sabihin sa isang privilege speech kamakailan na ang isang naghahangad maging Speaker ay hindi dapat nakatunganga lang at naghihintay na siya ay iluklok sa puwesto. Ito ang isang malaking pagkakamali ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na umaasa lamang sa term-sharing agreement nila ni Cayetano para maging Speaker.

“Hindi siya nagtrabaho, hindi siya nag-ambag, hindi niya dinepensahan ang Kamara, hindi siya naging lider. Kaya paano naman niyang maaasahang susundin namin siya,” ani Castro patungkol kay Velasco.

“Pagkakamali ni Velasco na isiping puwedeng wala na siyang gawin sa loob ng 15 buwan at bigla na lamang lilitaw sa Kongreso para angkinin ang puwesto na para bang ipinanganak siyang maging Speaker,” dagdag ni Castro.

Tingnan n’yo na lamang kung ipagkukumpara natin si Cayetano at Velasco: Sa edad 22 anyos at habang nag-aaral na maging abogado ay naging municipal councilor na si Cayetano ng Taguig at naging vice mayor din. Naging congressman siya ng Taguig-Pateros, tinawag na Batang Compañero dahil sa kanyang galing sa pagsasalita at adbokasiya laban sa korupsiyon. Pagkatapos maging congressman ay naging senador si Cayetano, at naging foreign affairs secretary sa ilalim ng adminstrasyong Duterte.

Si Velasco, kumusta naman ang karera?

Nagtrabaho sa opisina ng kanyang ama na si dating Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. Naging provincial administrator at chapter president ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Marinduque.

Sa Senado, naging chairman si Cayetano ng mahahalagang komite, tulad ng Blue Ribbon Committee, at dito ay naisiwalat niya ang iba’t ibang corruption scandal, Senate foreign relations committee, at ng Senate committee on rules. Naging Senate Majority Leader rin si Cayetano.

Si Velasco naman ay kasalukuyang chairman ng House committee on energy. Ayon sa kanyang Facebook page, naging dating chairman din siya ng  Oversight Committee on the  Solid Waste Management Act at Co-Chairman ng Joint Congressional Power Commission sa nakaraang Kongreso.

Ilan sa mga bills na naiakda ni Cayetano na naging batas ang Public Employment Service Office (PESO) Act; Granting Additional Compensation In Form of Special Allowances for Justices, Judges and All other Positions in the Judiciary; Anti-Money Laundering Act of 2001; The Overseas Absentee Voting Act of 2003; An Act Governing the Establishment, Operations and Regulation of Lending Companies; An Act To Strengthen The University of The Philippines As National University; Anti-Camcording Act of 2010; Expanded Senior Citizens Act of 2010; Strengthening of the Magna Carta for PWDs; Act Providing for Mandatory Basic Immunization Services For Infants and Children, at ang  Domestic Workers Act (Kasambahay) Law.

Wala tayong maalala na mahalagang panukalang batas na naipasa ng energy committee ni Velasco

Sa Pulse Asia survey noong Disyembre ng nakaraang taon, o kulang sa anim na buwan pa lang ng kanyang pagiging Speaker, si Cayetano ang nakakuha ng pangatlong pinakamataas na rating bilang most trusted government official. Nakakuha ng 76 percent trust rating ni Cayetano, na mas mataas ng 14 points sa dati nyang 62 percent rating noong Setyembre 2019.

Sa panig ni Velasco, wala tayong narinig o masasabi tungkol sa kanyang rating  dahil minsan lang magpakita sa Kongreso.

Sa ilalim ni Speaker Cayetano, naipasa ng Kamara ang 2020 national budget sa loob ng record time na 20 working days. Naipasa rin ang importanteng tax reform packages at economic priority bills ng Pangulo, at gayundin ang Bayanihan 1 at 2 sa ilalim ng Speakership ni Cayetano.

Wala tayong narinig kay Velasco tungkol sa pagpasa ng mga priority bills ng Pangulo, kahit suporta man lang.

Kung inyong matatandaan, inalok ni Cayetano si Velasco na maging deputy speaker bilang paghahanda sa Speakership at para mahasa ang kanyang kakayahan bilang mambabatas.

Imbes tanggapin ang oportunidad  na mapalawak ang kanyang kaalaman bilang mambabatas, inisnab ni Velasco ang alok. Kitang-kita sa mga aksiyon ni Velasco kung bakit hindi siya dapat maging Speaker.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *