Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Viva Movie coming soon pa lang… Rosanna Roces lalagari na sa tatlong bagong pelikula na ididirek nina Joven Tan, Adolf Alix, Jr., at GB San Pedro

MALAKI talaga ang nagagawa sa career ng isang arista kapag nagkaroon ng malaking pangalan sa showbiz lalo kung mahusay umarte. Tulad ni Rosanna Roces, dumaan man sa maraming bagyo sa personal na buhay at kanyang karera ay nananatiling nakatayo at matatag. Hanggang ngayon kahit sa gitna ng pandemya at pagkakasara ng ABS-CBN kung saan nakagawa siya ng ilang regular shows ay hindi pa rin nawawalan ng offer sa mahusay na actress.

Hayan at hindi pa naipapalabas sa sinehan ang kanyang latest Viva movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, pero this year, tatlong magkasunod na pelikula ang gagawin ni Osang. Mauunang iso-shoot ni Osang ang SK project niya kay Direk Joven Tan na hindi pa niya alam ang title, pero napapanahon daw. Ang character na gagampanan ng actress ay si Luisa na isang overseas Filipino workers (OFW) na umuwi para makasama ang kanyang mga anak, only to find out na tulak pala ng droga ang kanyang panganay.

So tatalakayin ng pelikula ang pagkasira ng isang pamilya at pasok dito ang anti-drug campaign ng gobyerno. Ngayong October 1 hanggang October 3 ay Gay series ang gagawin ni Osang na ididirek naman ng kaibigan niyang si Direk Adolf Alix, Jr., na nakasama na niya sa ilang de-kalidad na mga proyekto at isa rito ay nagkamit siya ng acting award. Malapit na rin siyang mag-shooting ng follow-up movie niya sa Viva Films na Kaka na pagbibidahan nina Sunshine Guimary at Jerald Napoles at si GB San Pedro ang kanilang director sa film. Soon ay ipapalabas na sa mga sinehan ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na maglulunsad nga sa bagong sexy star ng 2020 na si AJ Raval, directed by blockbuster young director Darryl Yap.

May dalawa pang naka-line up na projects si Osang na parehong ididirek ni Darryl Yap ang movie with Nora Aunor at ‘yung sa kanila ng BFF na si Sylvia Sanchez na Revirginize na iko-co-prod raw ni Ibyang. Intended ito sa Netflix at ang Viva Films ang distributor ng nabanggit na movies.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …