Friday , November 22 2024
electricity meralco

PAPI may malasakit sa consumers vs abuso ng PECO

BILANG suporta sa consumers, isang investigative report na nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City ang inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng mga publisher.

Hinimay sa nasabing report ang pang-aabuso ng power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayondin ang mga pagbabago sa lungsod matapos ang pagbagsak ng mahigit 96-taon operasyon nito.

Sinabi ni PAPI President Nelson Santos, bilang tagapagtaguyod sa pamamahagi ng katotohanan na 45-taon nang ginagawa ng PAPI, responsibildad nitong isiwalat ang tunay na pangyayari sa Iloilo City Electric Power, kaya naman inilabas nila ang investigative report na nagdedetalye simula ng pamamayagpag ng PECO, naging pagpapabaya, at tuluyan nitong pagbagsak makalipas ang ilang dekada.

“We took interest on the issue because it involves the interest and welfare of Ilonggo power consumers, which is really the most affected sector in this controversy. We looked at the issue and knew right away that we need to do something to ferret out the truth regarding this matter,” paliwanag ni Santos.

Aminado si Santos, sa rami ng propaganda na inilabas ng PECO mula nang matanggalan ng prankisa ay nagdulot na ito ng kalitohan sa publiko kaya naman minabuti nilang talakayin ang isyu at isinulat ang pangyayari alinsunod sa tunay at totoong nangyari.

“We, as publishers whose main product is truth, we can’t just sit idly amidst the controversy. We have to know the truth, we have to deliver the truth,” paliwanag ni Santos.

Umaasa si Santos, sa pamamagitan ng kanilang isinulat na komprehensibong report sa power situation sa Iloilo City ay makatutulong ito sa 65,000 power consumers ng lungsod para makuha ang tamang impormasyon at mabigyang linaw ang mga isyu sa harap ng mga lumalabas na propaganda.

Kabilang sa tinalakay sa investigative report ng PAPI ang kontrobersiyal na isyu ng PECO sa overbilling, regular na nararanasang power interruption, kabiguang mag-upgrade ng kanilang pasilidad gayong hindi naman nalulugi ang kompanya at may mga milyong bonuses na ibinibigay sa mga opisyal nito at hindi pagbabayad ng tax.

Hinimay din ng PAPI sa investigative report ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pagsasampa nito ng iba’t ibang kaso sa korte at Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang pag-o-operate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).

Kasama rin sa naturang report ang naging takbo ng operasyon ng More Power mula nang mag-takeover bilang power supplier ng Iloilo City noong Pebrero 2020 at ang mga nagawa sa loob ng maikling panahon.

Ayon kay Santos, sa resulta ng kanilang ginawang investigative report ay pabor sila sa naging desisyon ng Kongreso na bawian ng legislative franchise ang PECO dahil sa violations at mababang kalidad ng serbisyo na ibinibigay bilang utility operator.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *