Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Garcia kauna-unahang concert artist sa SanFo na magkakaroon ng live birthday concert

HALOS 7 months ng hindi nakapag-concert ang Pinoy international recording artist na si JC Garcia sa San Franciso, California at iba’t ibang parte nito. E, hindi pa naman sanay si JC na walang show at in demand siya rito. Remember last 2018 and 2019 ay nakagawa nang halos 7 solo concerts ang nasabing singer-dancer.

Pero good news sa lahat ng supporters ni JC dahil magkakaroon siya ng Birthday Concert this 27th September sa Fort McKinley Restaurant, Bar and Banquet  sa San Francisco, California.

At dahil may protocol pang ipinatutupad sa nasabing bansa instead na 300 persons ang capacity ng said venue ay 40% lang daw ang allowed na papapasukin. Pero in fairness mayayamang kababayang Pinoy ang magiging crowd ni JC sa kanyang konsiyerto.

Mas pinaaga rin daw ang oras ng kanyang Birthday Show na magsisimula ng 5:00 pm hanggang 8:00 pm. Tuloy na tuloy na raw ito according to JC at close na ang deal nila ng manager ng Fort McKinley na si Jun, na kanyang good friend.

Ang ipinagpapasalamat ng kaibigan naming recording artist, sa lahat ng kilalang concerts artists sa Sanfo ay sa panahon ng CoVid-19 pandemic ay siya ang kauna-unahang singer na maglulunsad ng live show.

Nakagawa na pala ng concert sa nabanggit na venue si JC, nakasama niya si Gabby Concepcion, Lou Bonnieve, at Yolanda sa magkakahiwalay na concert. Sa September 30 ang eksaktong kaarawan ni JC Garcia.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …