Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Buntis, PUJ driver kapwa PDEA HVT tiklo sa P.68-M shabu

ARESTADO ng mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) ang dalawang hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, noong Lunes, 21 Setyembre .

 

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan provincial director, ni P/Lt. Col. Jacquilene Puapo, hepe ng Malolos CPS, ang isinagawang anti-illegal drug operation ay kabilang sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na maigting na ipinatutupad ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa buong lalawigan.

 

Kinilala ang mga nadakip na sina Caroline Matavia, alyas Cassandra, 34 anyos, anim-buwang buntis, residente sa Blk. 5 Lot 34 Regatta Subd., Barangay Sumapang Matanda, Malolos City; at Ronald Catumbis, alyas Eric, drivre ng jeepney, residente sa 257 Campupot St., Barangay Ligas, Malolos City.

 

Nabatid na ang dalawa ay kapwa high value target ng PNP-PDEA.

 

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 11:30 pm kamakalawa nang ikasa ang buy bust operation laban sa mga suspek sa BSU Diversion Road, Barangay Ligas.

 

Sinabing dito, matagumpay na nakabili ng shabu ang isa sa mga operatiba ng Malolos CPS na nagsilbing poseur buyer.

 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dakmain ng mga operatiba matapos ang naging transaksiyon sa ilegal na droga.

 

Napag-alaman, kahit buntis ay nagagawa pa rin ni alyas Cassandra na magtulak ng ilegal na droga samantalang si alyas Eric ay ginagawang front ang pagmamaneho ng jeepney.

 

Nasamsam mula sa mga suspek ang 29 plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000, baril at bala, isang motorsiklo, at marked money na ginamit sa buy bust operations.

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at kasalukuyang nakadetine sa Malolos City lock-up cell. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *