Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PNP checkpoints nalusutan ng ‘unipormadong’ holdaper sa Maynila

KUNG kailan mayroong checkpoints at sa bawat kanto ay may nakatayong pulis, saka pa nagkalakas ng loob ang mga holdaper para umatake sa kanilang bibiktimahin.

At ‘yun ang ipinagtataka natin.

May holdapan sa F. Torres at Soler St., gayong ilang metro lang ang layo nito sa mga police community precinct (PCP) at estasyon ng pulisya pero suwabeng nakalusot ang holdaper.

Nasaan ang mga pulis? Napunta ba lahat sa Manila Bay at iniwanan ang kanilang mga estasyon? Nasabik ba silang makakita ng bleached ‘este beach sand 

Sa pagrepaso sa CCTV camera, kitang-kita na ang mga holdaper, sabi ay lima katao, ay naka-unipormeng sundalo.

Wattafak!

Hindi lang ito simpleng holdap, may ‘mensahe’ ang pagsusuot ng camuflaje ng sundalo o pulis ng mga nasabing holdaper.

Tunay na pulis o sundalo ba sila na disgruntled sa gobyerno? Iyon ba ang dahilan ng panghoholdap nila? O sila ay grupo ng mga tunay na sanggano’t kriminal at niyururakan ang uniporme ng AFP at PNP?

By the way, sa insidente pong ito ay pinaslang ang pulis, beteranong pulis, na si P/EMSgt. Roel Candido, 53 anyos.

Si Candido ay bodyguard ng target na si Catherine Ornido King, 43 anyos, nagmamay-ari ng jewelry store sa Chinatown Gold Center sa Sta. Cruz, at sinabing siyang tunay na target ng mga holdaper.

Patay agad ang pulis, sugatan ang mag-aalahas na si King, napinsala rin ang driver na si Sulficio Pisngot na tinamaan ng bala sa ibabang bahagi ng katawan, at ang sales lady na si Visia Cañete, 20 anyos.

Kung ganito kaluwag na nakakikilos ang mga holdaper sa Maynila lalo sa distrito ng Binondo, ano na ang nangyayari sa Maynila P/BGen. Rolando Miranda?!

 

PERFORMANCE
NG KAMARA,
APPROVED
KAY DIGONG

MUKHANG malabo nang mangyari ang palitan ng speakership sa kamara batay sa napagkasunduan noon na 15-21 sa pagitan nina Speaker Alan Cayetano at Rep. Lord Velasco.

Kasi nitong nakaraang Miyerkoles, ipinatawag ni Digong si Senate President Sotto, Speaker Cayetano, Senator Bong Go at Majority Leader Martin Romualdez at pinag-usapan ang tungkol sa isyu ng korupsiyon sa PhilHealth at pag-amyenda sa Red-Tape Law.

Sa naturang miting, inilatag umano ni Romualdez ang mga nagawa ng 18th Congress sa ilalim ng liderato ni Cayetano. Sinabi rin ni Romualdez na inaksiyonan ng kamara ang mga priority measures na isinusulong ng gobyerno ni Digong dahil sa determinasyon ng liderato ni Cayetano sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng kamara.

Sa totoo lang, tumpak itong sinasabi ni Romualdez dahil as of July 16, 2020, 18 panukala na ang naging batas. Labing-dalawa rito ang national bills at anim naman ang local bills. Kabilang rito ang postponement ng barangay election; GMRC law; Salary Standardization Law (SSL) na nagtaas ng suweldo ng mga guro at nurse; pagtatatag ng malasakit centers sa hospital para matulungan ang mahihirap na pasyente; ang pagtatayo ng National Academy of Sports; ang Bayanihan 1 at 2 para sa mga biktima ng CoVid-19 at pagbangon ng bansa mula sa epidemyang ito at marami pang iba. Nasa 3rd reading na rin ang panukala na medical scholarship sa mga deserving students at aprobado na rin sa 3rd reading ang economic bills at hinihintay na lamang ang pangsang-ayon ng senado. Kabilang na rito ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA); Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA); at ang Real Property Valuation and Assessment Act.

Ikinuwento rin ni Romualdez na tumatango-tango pa si Digong habang ipinipresenta nito ang mga nagawa ng kamara. Nagkaroon umano ng pagkakataong mag-usap si Digong at Cayetano noong matapos na ang miting kahit sa maikling panahon lang.

Kung tayo ang tatanungin, huwag nang galawin ang kamara kung swak na swak naman ang trabaho at performance nito sa kabila ng pandemya. E ‘di ba nga ang kamara pa ang nagpauso ng mga virtual meeting ngayong panahon ng pandemya para lang matalakay ang mga importanteng panukala at maimbestigahan ang mga usaping dapat imbestigahan.

Ngayon lang din nangyari na may mga academe at ibang sektor ng lipunan na puwedeng magtanong sa umpisa ng budget hearing at makapagbigay ng opinyon ang mga netizen sa pagkomento sa social media platforms para makibahagi sa pagdinig ng budget.

Kung ganito ang nagaganap ngayon sa kamara, bakit pa magkakaroon ng galawan? Ituloy na lang ang magandang sistema upang makabangon tayo nang tuluyan lalo sa pagkakalugmok sa CoVid-19. E kung magpapalitan pa ng lider lalo sa kalagitnaan ng national budget hearing, naku po panibagong galaw na naman ang mangyayari sa kamara ‘pag nagkataon.

‘Di ba?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *