Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

28 law violators, 5 kabataan tiklo sa Bulacan

ARESTADO sa magkakahiwalay na police operations ang 33 katao kabilang ang limang kabataan na sumalungat sa batas, hanggang kahapon ng umaga, 17 Setyembre.

 

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), unang nasakote ang 12 drug suspects sa serye ng mga buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Bocaue, Marilao, Obando, Pandi, San Miguel, San Jose del Monte City PNP at Provincial Intelligence Unit (PIU) Bulacan PPO.

 

Nasamsam sa mga suspek na nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/police station, ang 45 sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.

 

Sumunod dito, nasakote ang tatlong suspek sa anti-illegal gambling operation na inilatag ng mga tauhan ng Baliwag Municipal Police Station (MPS).

 

Naaktohan ang mga suspek na nagsusugal ng “tong-its” sa Barangay Sta. Barbara, sa bayan ng Baliwag, na nag-udyok sa pulisya na kompiskahin ang isang deck ng baraha, mesa, at bet money na halagang P303.

 

Samantala, natimbog ang 18 suspek kabilang ang limang kabataang lumabag sa batas o children in conflict with the law (CICL), ng Bulacan police at mga barangay tanod na tumugon sa iba’t ibang krimen sa mga bayan ng Bocaue, Calumpit, Norzagaray, Marilao, at lungsod ng San Jose Del Monte.

 

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa iba’t ibang kasong inihahanda nang ihain sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …