Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Gonzaga bagong celebrity endorser ng SM malls (Tuloy-tuloy ang dating ng blessings)

MALAYO na ang narating ng career ni Alex Gonzaga.

Mula sa smorgasboard ay nabigyan ng break sa TV 5 at sumikat sa ABS-CBN at naging tanyag at kinikilala ngayong isa sa top vloggers sa bansa na as of presstime ay may 8.51 million subscibers at umaani ng million views ang upload videos.

Ngayon ay isa naman sa pangarap ni Alex ang nabigyan ng katuparan — ang maging endorser ng SM malls sa kanilang delivery services.

Pahayag ng nakababatang Gonzaga tanggap niya ‘yung sinabi ng iba na kapatid lang siya ni Toni Gonzaga pero wala raw talagang imposible kay God, kaya ‘yung wish niya, na tuwing dumaraan sa SM Mall na maging parte nito at magkaroon ng sariling billboard ay dinidinig ng Itaas.

Narito ang mahabang post ni Alex sa kanyang FB Fanpage Official: “Whenever i see billboards of SM’s past endorsers i would always think to myself na

impossible siguro na makita ko rin sarili ko maging part ng SM. Baka kahit makasama sa list ng pagpipilian endorsers di pa ako makasama. Im known as “kapatid ni Toni.” I already accepted the fact that if dun ako maaalala that would be fine. And then today, God showed me that nothing is impossible when you trust Him and His timing. When i was shooting for our pictorial, I felt God talked to me, naramdaman ko na sinabi nya while i was posing and pina-hold nila ‘yung SM shopping bags na, “Ayan sabi ko sa ‘yo I will be with you and I will never leave and forsake you.” They

don’t know how much i wanted to cry while in the shoot because another impossible dream happened. I was so used to losing and being rejected that when God is already blessing me hindi ko na maaalala at maiisip na isa ‘yun sa pinagdasal ko. Mas nakinig ako sa sinasabi ng mundo na hindi pwede mangyari yun sa akin. Whoever is reading this, I just want to let you know that God is listening. His blessings and plans are on the way. He hasn’t forgotten about you. Madalas akala natin wala nang pag-asa at imposible mangyayri pero His ways are higher and He has plans for you.

‘Wag ka mapapagod magdasal dahil one day gugulat ka  na lang na ay andyan na pala sa harap mo ang

hinihiling mo. Glory be to God! Thank you Jesus. Andito na rin naman tayo so #Call143SM na din para call to deliver.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …