Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

2 tulak, 2 pa timbog sa police ops sa Bulacan

NASAKOTE sa magkakahiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang notoryus na tulak ng ilegal na droga at dalawang may kasong kriminal, hanggang kahapon, 15 Setyembre .

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang dalawang tulak sa anti-illegal drug operations na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao at Meycauayan PNP.

Kinilala ang isang suspek na si Zaldy Roxas, sinampahan ng dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), Direct Assault, at Attempted Homicide matapos manlaban sa mga pulis na nagresulta sa pagkasugat ng kaniyang kaliwang paa.

Nakompiska mula kay Roxas ang apat na sachet ng shabu, isang rebolber na kargado ng apat na bala, at buy bust money.

Samantala, nasakote ang suspek na si Benedicto Masong, Jr., sa isang buy bust operation na nasamsam mula sa kanya ang tatlong sachet ng shabu at buy bust money.

Nadakip din ang dalawang iba pang suspek sa pagtugon ng Bulacan police sa magkahiwalay na insidente ng krimen sa mga lungsod ng Meycauayan at San Jose Del Monte.

Sasampahan ang dalawa ng mga kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) at Theft.  (MICKA BAUTISTA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …