Friday , December 27 2024
Location Australia. Green pin on the map.

Pinoy na ‘nawalan’ ng anak sa Australia 3 senador tututok

SA WAKAS ay nakahanap rin ng kakampi ang Filipino na sinabing tingangayan ng dalawang anak na paslit at ipinakulong sa Australia.

Tatlong senador ang sinabing sumaklolo kay Inocencio “Coy” Garcia at inatasan umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulungan at tutukan ang kaso ni Garcia.

Isa pang senador ang humiling sa DFA na tulungan at tutukan ang kaso ni Garcia sa bansang Australia na tinangayan ng dalawang anak, edad 3 at 2 anyos.

Naganap ito noong 23 Setyembre 2014 sa kanyang bahay sa Mt. Druitt, Sydney, Australia ng mga tauhan ng social workers habang siya ay nasa kanyang trabaho.

Ayon kay Senator Imee Marcos sa panayam sa isang radio program, nakalulungkot ang nangyari sa isang kababayan natin sa Australia na matapos matangayan ng dalawang anak ay ikinulong pa sa kasong unlawful broadcast and publish child names.

Hindi umano tama na ang ating consulate sa Sydney ay magbigay lamang ng list of lawyers  at panoorin lamang ang kaso ng kababayan natin.

Hinihingi nito ang mga dokomento para mapag-aralan at maibigay ang lahat ng legal na tulong kay Garcia para mabawi ang dalawang menor de edad na anak at makalaya.

Nauna nang sumulat sina Senator Christopher “Bong” Go at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., kay Secretary Teodoro Locsinm Jr., na alamin at tulungan si Garcia ngunit 10 araw na ang nakalilipas mula nang hatulan, ni tawag or text ay wala pang nakararating sa pamilya mula sa Konsulado ng Filipinas sa Sydney.

Unang nagreklamo si Garcia ng child abuse at rape sa social worker laban sa uncle ng kanyang asawa noong siya ay 15 anyos pa lamang.

Ngunit imbes aksiyonan ang kanyang reklamo, nabaliktad ito sa sumbong na malnutrition at domestic violence dahilan para kunin ang kanyang dalawang anak habang siya ay nasa trabaho.

Nagsampa ng kasong kidnapping si Garcia laban sa mga tauhan ng Department of Community Service (DOCS) sa Mt. Druitt , New South Wales, Australia, ngunit hindi ito pinakinggan ng korte, sa halip pinaboran nito ang mga tauhan ng social workers.

Ayon kay Garcia, bilang kidnap victim, karapatan niyang i-broadcast at i-publish ang mga pangalan at larawan ng kanyang anak sa social media na siyang ikinaso sa kanya at ikinakulong ng 14 buwan, 7 buwan na walang parol at wala pang bail.

Kinondina ni Garcia ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng social worker na dapat ipinaalam muna sa mga magulang  bago kunin ang mga bata.

Dapat bigyan din ng option kung may mga kamag-anak na puwedeng magkustodiya at maging ang korte na hindi siya  binigyan ng fair trial.

Tinakot din umano ang kanyang abogado kaya napilitang magbitiw sa kaso at maging si Garcia ay pilit din umanong pinatatahimik.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *