Sunday , December 22 2024

Ulat ng PAPI vs abuso ng PECO inilabas (Para sa kapakanan ng consumers)

ISANG investigative report na nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City ang inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinaka­malaking media group sa bansa na kina­bibi­langan ng mga publisher.

Hinimay sa nasabing report ang pang-aabuso ng power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayondin ang mga pagbabago sa lungsod matapos ang pagbagsak ng mahigit 96-taong operasyon nito.

Ayon kay PAPI President Nelson Santos, bilang taga­pagtaguyod sa pama­mahagi ng katotohanan na 45-taon nang ginagawa ng PAPI, responsibildad nitong isiwalat ang tunay na pangyayari sa Iloilo City Electric Power, kaya naman inilabas nila ang investigative report na nagdedetalye simula nang pamamayagpag ng PECO, naging pagpa­pabaya, at tuluyan nitong pagbagsak makalipas ang ilang dekada.

“We took interest on the issue because it involves the interest and welfare of Ilonggo power consumers, which is really the most affected sector in this controversy. We looked at the issue and knew right away that we need to do something to ferret out the truth regarding this matter,” paliwanag ni Santos.

Aminado si Santos, sa dami ng propaganda na inilabas ng PECO mula nang matanggalan ng prankisa ay nagdudulot na ito ng kalitohan sa publiko kaya naman minabuti nilang talakayin ang isyu at isinulat ang pangyayari alinsunod sa tunay at totoong nangyari.

“We, as publishers whose main product is truth, we can’t just sit idly amidst the controversy. We have to know the truth, we have to deliver the truth,” paliwanag ni Santos.

Umaasa si Santos, sa pamamagitan ng kani­lang isinulat na komprehensibong report sa power situation sa Iloilo City ay makatu­tulong ito sa  65,000 power consumers ng lungsod para makuha ang tamang impor­ma­syon at mabigyang linaw ang mga isyu sa harap ng mga lumalabas na propaganda.

Kabilang sa tinalakay sa investigative report ng PAPI ang kontrobersiyal na isyu ng PECO sa overbilling, regular na nararanasang power interruption, kabiguang mag-upgrade ng kanilang pasilidad gayong hindi naman nalulugi ang kompanya at may mga milyong bonuses na ibinibigay sa mga opisyal nito at hindi pagbabayad ng tax.

Hinimay din ng PAPI sa investigative report ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pag­sasampa nito ng iba’t ibang kaso sa korte at Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang pag-o-operate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).

Kasama rin sa naturang report ang naging takbo ng opera­syon ng More Power mula nang mag-takeover bilang power supplier ng Iloilo City noong Pebrero 2020 at ang mga nagawa sa loob ng maikling panahon.

Ayon kay Santos, sa resulta ng kanilang ginawang investigative report ay pabor sila sa naging desisyon ng Kongreso na bawian ng legislative franchise ang PECO dahil sa violations at mababang kalidad na serbisyo na ibinibigay bilang utility operator.

“Aside from winning the support of just about all sectors of the community — city officials, church leaders, business groups, consumer advocacy groups, etc. We are convinced that More Power is doing everything to ensure a much better relationship with the community it serves,” paliwanag ni Santos.

Ang investigative report ng PAPI ay maaaring mabasa sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *