Saturday , November 16 2024
harassed hold hand rape

16-anyos na dalagita ginapang sa higaan dinonselya ng amain

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki kamakalawa (6 Setyembre) matapos ireklamo ng panggagahasa sa anak na dalagita ng kaniyang kinakasama sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan.

 

Sa ulat na ipinadala ng Pandi Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Edilberto Surbano, 33 anyos, residente sa Baragay Mapulang Lupa, sa naturang bayan.

 

Batay sa reklamong inihain sa tanggapan ng Pandi MPS, sinamantala ng suspek na nasa trabaho ang kinakasama at ginahasa ang kaniyang 16-anyos stepdaughter.

 

Nabatid na mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng bahay nang gapangin ng suspek sa higaan saka sinimulang pagsamantalahan.

 

Nagsumamo umano ang biktima sa kinikilalang ama na huwag ituloy ang masamang balak ngunit higit na nanaig ang buktot nitong hangarin hanggang maangkin ang kaniyang kasariwaan.

 

Matapos iraos ang kamunduhan, pinagsabihan ng suspek ang biktima na huwag isusumbong kahit kanino ang kaniyang ginawa upang walang masamang mangyari sa kaniya.

 

Ngunit nanaig sa dalagita ang paghingi ng katarungan sa kahayupang ginawa ng amain kung kaya nang dumating ang ina ay isinumbong niya ang panggagahasa.

 

Dito humingi ng tulong ang ina mula sa tanggapan ng Pandi MPS na kagyat tumugon at inaresto ang suspek bago makalayo. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *