Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Awra, pinagkakitaan ni Feng?

VIRAL ngayon ang napakahabang arya sa social media ni Awra Briguela tungkol sa tunay nilang relasyon ng vlogger na si Raffy “Feng” Dela Cruz.

Idinetalye ni Awra sa Twitter ang namagitan sa kanila ni Feng. “Lahat ng mababasa niyo rito walang kulang,  walang sobra lahat to nangyari habang may connection kami ni Raffy ‘Feng’ Dela Cruz.

 “(1) Nag start kame mag usap after ko mag RT ng tweet nya then nag dm sya agad that time, Nag umpisa kame mag usap katapusan ng October. So yes let me remind you all first, walang naging kame. Pero nagpapakita sya ng motibo na parang merong kame alam ni Feng yun sa sarili nya.

 “(2) Araw araw kame magkausap? From Good Morning hanggang Goodnight magiausap kame nag a update sa isat isa na parang meron talaga hanggang sa nag meet kame ng ilang beses. Maraming beses na kami nagkita at sobrang okay kame, Actually lahat ng friends ni Feng alam ang totoo.

 “(3) Hindi kame naging okay after mag pakulay ng buhok and that time malapit na mag Pasko. Bigla na lang syang walang paramdam sa lahat hanggang yung vlog ko inupload nya sa youtube nya dun lang sya nag paramdam at nag sorry kase alam nyang wala na kong balak iupload yun.

 “(4) Hindi na kame okay… for what??? pag inupload ko yun ng hindi naman na kame okay para saan??? Yes totoong inupload nya yung vlog sa youtube nya without my permission. Dahilan nya para daw mabili nya yung damit na gusto ko.

 “(5) Hanggang sa nakasahod na sya at nag kita ulet kame wala naman syang nabigay saken.Which is hanggang sa nakasahod at nakuha niya yung silver play button ng dahil don sa video nayon umabot lang naman ng 1M+ sa youtube yon di niyo na makikita yung video kasi naka private na.

 “(6) Pero wala lang saken yun. May time pa na magkikita kame sa mall sa Manila kasama dapat si Grae then ilang oras ako nag antay sa kanya.

 “(7) Tawag ako ng tawag hanggang sa may sumagot na babae at sabi naiwan daw phone ni feng sa MRT which is nakuha ko yung phone nya and nag kita kame.. Pero alam mo ba lahat pala yun set up?

 “(8) Kase yung nag abot ng phone saken yun pala ang president ng fansclub nya and yes si Feng ang mag utos nun na mag pretend na napulot nila phone ni Feng, isa yun sa biggest lie na nagawa nila saken. Nagawa nilang iset up ako without any reason,” unang bahagi ng post ni Awra.

Isa pang pangloloko umano ng vlogger kay Awra ay ang pagpapakilala sa kanya ng karelasyon nito bilang kaibigan lang.

“(9) Ngayon this is the perfect time para malaman nyo na may jowa na si Feng 3years na sila ng Jowa nya at yun yung masakit saken kase nakasama ko na Jowa nya at pakilala nya saken friend lang.

 “(10) But to the fact na yung Jowa nya Supportive kay Feng sa lahat. Imagine nung nakasama ko silang dalawa ang saya namen tapos Yung jowa nya supportive pa sameng dalawa,” ani Awra.

 Nag-post din siya ng litrato nilang tatlo, “Eto yung nag bonding kame kasama jowa nya na ang akala ko friend nya lang.

 “Nag try din syang makipag Romeo saken that time, And yes kala ko okay na ko hanggang sa nalaman ko yung about sa Jowa niya.

 “Last text namen. And hindi nya paren inamin yung totoo. Again hindi ako gumawa ng thread para ihate nyo isa samen. Ginawa ko to kase para alam nyo na ang totoo.

 “Masakit lang na hanggang ngayon hindi pa ren sya umamin saken at nalaman ko lahat sa ibang tao. Which is lahat totoo.”

 

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …