NAKATIKIM muli ng banat mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin ang Bureau of Immigration (BI).
Sa kanyang post sa twitter account, sinabi ni Locsin na ang BI ang may kasalanan kung bakit hindi makalipad ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na sasakyan sana ng overseas Filipino workers (OFWs) na pabalik sa Hong Kong.
Sinabi ni Locsin, noong nakaraang buwan pa binasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mungkahi na pahintulutan nang makabalik sa Hong Kong ang mga OFW.
Aniya, hindi naman banta sa kalusugan ng mga Filipino ang naturang Pinoy workers dahil palabas sila ng bansa.
Una nang inupakan ni Locsin ang Immigration dahil sa paglobo ng bilang ng Chinese POGO workers sa bansa.
(JAJA GARCIA)