NADAGDAGAN ng dalawa ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH).
Kabilang sa nadagdag sa kaso ang isang 23-anyos na babaeng residente ng Sta. Ana.
Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills, San Juan City.
Ang ikalawa ay isang 64-anyos babae mula sa Sta. Cruz na walang travel history.
Ang nasabing babae ay walang travel history sa ibang bansa at kasalukuyan siyang nasa isang ospital sa labas ng Maynila.
Una rito ay nagpositibo sa COVID-19 ang isang pasyente mula Sampaloc, Maynila.
Kahapon, idineklara ang state of calamity sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.
Sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 12 ang namatay sa COVID 19 at umabot na sa 140 ang nahawa.
Sa mga gumaling ay may dalawang positibo na kabilang sa 140.
Ang isang babae na nagpositibo ay noong Enero 2020 pa at hangad ng DOH na maka-recover ang lahat ng pasyente.
(CYNTHIA MARTIN)