Friday , December 27 2024

Brahms: The Boy 2, muling nagtagumpay sa pananakot

TAONG 2016 naging matagumpay ang pananakot ng pelikulang The Boy kaya naman kumita ng ito ng $64-M sa takilya sa buong mundo, samantalang ginawa lamang ito sa mababang budget, $10-M. At ngayong taon, nagbabalik ang sequel nito, ang Brahms: The Boy 2 na idinirehe pa rin ni William Brent Bell.

Magtagumpay pa rin kaya ngayon ang Brahms: The Boy 2? Posible! Kasi kung pagbabasehan naming ang napanood sa advance screening nito, nagtagumpay ang pelikula sa pananakot. Sa musical scoring pa lang, tagumpay na siya, sa istorya pa kaya?

Ang pelikula ay ukol sa isang manika na tinawag sa pangalang Brahms. Si Brahms ay binigyan ng isang yaya para ituring na parang tunay na bata. Nang suwayin ng yaya ang pambihirang utos, may malagim na nangyari sa yaya.

At ngayong 2020, patuloy pa rin ang kilabot na hatid ng The Boy na isinulat ni Stacey Menear.

Ayon nga kay Katie Holmes, pangunahing karakter sa pelikula, tiyak na magugustuhan din ang Boy 2 tulad ng una.

Si Holmes ay gumaganap bilang Liza, na ayon sa kanya ay isang “universal character,” dahil sa pagiging mapagmahal at protective mother. Si Liza, kasama ng kanyang asawang si Sean at anak na si Jude, ay nanirahan sa Heelshire Mansion matapos makaranas ng traumatic event. Wala silang kamuwang-muwang na ang mansiyon ay may nakakikilabot na nakaraan.

Nahukay ni Jude ang manika kaya simula noon ay lagi na niya itong kasama. Tulad sa unang pelikula, may mga panuntunan na nakakabit kay Brahms, at isa sa mga ito ay dapat lagi siyang kasama ni Jude, “always and forever.”

Dahil sa kakaibang pagkilos ng kanyang anak, nagsimulang mag-research si Liza tungkol sa manika. Noon niya nalaman ang ilang impormasyon tungkol sa mga pagpatay sa prominenteng pamilya na nangyari noon pang 1894.

Sa panayam kay Direk Bell ng Daily Dead, sinabi nitong, “the sequel will be a complex little story to deliver on what the first movie delivered.”

“It’s fun to be scared sometimes, huh?” sambit ni Jude sa unang bahagi ng trailer. Naging “fun” nga para kay Holmes na gawin ang pelikulang ito.

Sa CinemaCon 2019, ibinahagi niya na, “Because (Liza) was so vulnerable, she was really ready to be scared.   It’s a fun role to play, to be in that heightened state of emotion.”

Inamin naman niya na natakot siya sa mga eksenang ka-one-on-one ang manika.

Ang batang si Jude ay ginagampanan ni Christopher Convery  (ng Stranger Things), habang ang kanyang ama at asawa ni Liza ay ginagampanan ni Owain Yeoman (The Belko Experiment, Emergence, The Mentalist).

Palabas na ang Brahms: The Boy 2 February 19, 2020 at ito ay handog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *