PINAWI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangamba ng mga empleyado ng ABS-CBN matapos sabihin na maaari pa rin mag-operate ang naturang television network kahit paso na ang prankisa nito.
Ayon kay Go sa 5 May 2020, mapapaso ang prankisa ng ABS-CBN, 45 araw matapos ang expiration date sa 30 March 2020.
Ipinaliwanag ni Go, sakaling hindi mai-renew ang prankisa ng TV network dahil hindi inaksiyonan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari naman humingi ng temporary permit to operate ang naturang kompanya sa National Telecommunicatiom Corporations ( NTC).
Nauna nang sinabi kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang dating Chairman ng Public Services Committee noong 10th Congress, maaaring mag-operate ang ABS-CBN hanggang matapos ang 18th Congress sa 2022 kung hindi ito aaksiyonan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kaugnay nito, nanindigan si Go na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida para ipawalang bisa ang prankisa ng ABS-CBN.
(CYNTHIA MARTIN)