Monday , December 23 2024

Magtulungan imbes magsisihan

IMBES magsisihan, mag­tulungan na lang tayo para harapin ang pina­nga­ngambahang novel coronavirus.

Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go bilang tugon sa batikos at paninisi ng ilang grupo at indibi­duwal sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi agad ipag­bawal ang biyahe mula at papuntang China.

Sinabi ni Go, imbes magsisihan, mas mabu­ting ipakita ang baya­nihan ng mga Filipino tulad ng ginagawa nga­yon ng ibang bansa na nagtutulungan silang hanapan ng solusyon ang pagpasok ng coronavirus sa kanilang  bansa.

Nilinaw ni Go, naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga Pinoy dahil sa pangamba sa nCoV pero dapat din maunawaan na kailangan ni Pangulong Duterte na mabalanse ang lahat dahil maraming sektor ang maaapektohan tulad ng transportasyon at turismo.

Nanawagan si Go na makinig at sumunod ang lahat sa advisories ng mga kinauukulang ahen­si­ya ng  gobyerno.

 (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *