IPINAHAYAG ni Maricel Morales ang pagkabilib sa mga kasamahan sa TV series na The Killer Bride na tinatampukan ni Maja Salvador. Kasama na rito ang mga tao sa likod ng seryeng pinamamahalaan ni Direk Dado Lumibao.
“Grabe ang bilib ko sa creatives ng show. Sa mga writers, kasi ang tindi talaga ng plot-twists. ‘Yung tipong akala mo nahulaan mo na ang next na mangyayari, tapos habang binabasa ko ang script parang napapa, ‘Ay pucha! Naisip nila ‘to?’
“Sobrang galing ng show and grabe rin ang puso na inilalagay ng mga kasama ko sa show. I don’t mean just the artistas, kasi ‘yun obvious, kita mo naman sa bigayan ng acting gabi-gabi. ‘Di matatawaran ang performance ng bawat isa, pero iba rin ang production, mga unit at directors namin. Lahat, makikita mo talaga dedikasyon ng lahat sa show na ito,” saad ni Maricel.
Ano exactly ang role niya rito? Ang role ko po is Aurora, ang nanay na nag-iwan kay Emma (Janella Salvador) sa simbahan. Hindi ko puwedeng i-classify na bad ‘yung character ko. More on torn and clipped ang kamay. Kasi, parang dahil ‘yung safety ng buhay nila ng anak niya ‘yung concern niya and also, to make up for the lost times sa tagal na panahon na nagkahiwalay sila kaya parang napupuwersa siyang sumunod sa utos sa kanya ng antagonist ng show (killer groom). If only to secure na hindi rin sila papatayin.”
Nabanggit din niyang masaya siya sa pagbabalik-acting. “Masaya po ako na I’m back to acting, kasi since bata po talaga ako, parang there was never a day na ‘di ko pinangarap maging artista. Iba po ang sense of fulfillment ko ‘pag nagagawa ko ang isang bagay na talagang mahal ko at ‘yun ang pag-arte.
“‘Yung politics po ‘di ko pinipilit ‘yan. I tried the last time for a single post when I ran as VM sa Angeles City and di po ako pinalad. I always believe that God will bring you kung saan ka mas magfo-flourish. Maybe for now, hindi ako roon. I’m not saying never again pero I wait patiently where my fate will bring me, where I am meant to be,” nakangiting saad ni Maricel na isa ring BeauteDerm ambassadress.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio